Kabanata 14

30 6 0
                                    


Kabanata 14








"Liligawan kita cave girl, ha?"

Parang recorder ang utak ko na paulit-ulit itong dumadagundong sa aking isipan. That render me speechless. Napakurapkurap ako ng ilang beses bago narealize ang pagkatunganga ko sa sinabi niya. 'Buti nalang talaga at umalis agad siya!

Masyado yata akong nagloading dun sa sinabi niya. I like to beg my pardon. At gusto ko siyang tawanan.

Really? Really Jed? Do you really think makukuha mo'ko sa mga ganung stunt mo?

Hindi makapaniwala akong napatawang mag-isa. Does he really think madadala niya ako dun sa ligaw-ligaw na sinasabi niya? Haha! Too bad I'm wiser than what he think I am!

So, ito ang bagong larong hamon niya sa'kin? Sige, tingnan na'tin kung sino ang unang bibigay... gusto niya pala ng laro? Sige bibigyan kita Thompson and I swear from all the gods and goddesses (kung meron man) there's no way I'm gonna lose.

"'Hoy. Hindi ka naman nakikinig,e!"

Napabalikwas ako sa inuupuang ladder sa likod ng school gym at parang lasing na naampulingatang tiningnan si EJ na lukot na lukot ang mukhang nakatitig sa'kin.

"Ah-oo! Nakikinig ako ah." Agad kong sagot sa kanya kahit na hindi naman talaga ako nakikinig sa kaniya kanina pa.

Ano nga ulit 'yong pinag-uusapan namin?

"Talaga lang ha? Kanina pa kita napapansin na tulala lang kahit nakatayo na ako sa harap mo!" Sermon niya at pinamewangan ako. "I doubt if you're really listening to me."

Ngumiti nalang ako. Ito na naman, nagiging strikta na naman ang ating reyna.

"So, ano na gagawin na'tin?" Tanong ko na umaaktong nakikinig nga ako sa kanya kanina habang inaayos ang sarili sa ladder.

Pinaningkitan niya naman ako ng mata at dinuro.

"Sabi ko na nga ba! Hindi ka nakikinig, e!"

Tumawa ako.

"Sorry. Sige sabihin mo nalang sa'kin kung ano ang dapat kong gawin."

Hindi makapaniwala siyang umiling-iling sa'kin. I only grin. Sorry naman.

"I can't believe you!" Aniya. "Talak ako ng talak sa love life ko! 'Yon pala walang nakikinig?!"

Ayon. Love life. Ang kumag na naman ba? Teka, kung manliligaw sa'kin si Jed, paano naman si Ej? Patay na patay pa naman 'to sa kumag. Pero I doubt kung seryoso ang kumag sa sinabi niya sa'kin, napagtripan lang ako nun dahil pagkatapos niya namang sabihin 'yon sa'kin ay hindi na siya nagpapakita, e-- ugh! Ano naman ngayon kung hindi siya nagpapakita sa'yo Miradeth, ha?

"Bakit ano bang tungkol sa love life mo?" Tanong ko.

"See? You're really not listening to me! Ano ba nasa isip mo? Care to share?" EJ said with cross arms.

"Wala."

Wala naman talaga akong iniisip--well okay, iniisip ko lang naman ang mortal kong kaaway kung pa'no ko siya ma-counter part sa gagawin niya and if I will tell EJ about my previous conversation with the jerk, she might be hyperventilating or worse declare a friendship over.

But of course, I'm just exaggerating. Alam ko namang hindi ganun magreak ang babae na'to pero if I will tell her what's on my mind, baka 'di niya maiwasang malungkot.

OA pa naman ang isang 'to.

Kaya sa mga sumusunod pa na araw ay naging mapagmatyag ako sa piligid. Tinatalasan ang mga mata at sinisigurado na kahit  saan man ako dadaanan ay maging alerto sa mga posibilidad na pag-atake ng kumag sa'kin.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now