Kabanata 5"Akala ko ba magcoconfess ka?!"
Pinameywangan ako ng best friend kong nakakainis habang nagbabasa ako ng comic book sa library.
Sumulyap lang ako ng ilang sigundo sa kanya tapos ibinalik ko na ulit ang tingin sa binabasa ko without any emotions at umupo naman siya sa harap ko.
Hindi ko siya kayang tingnan kasi naiinis ako!
Oo, naiinis ako!
Hindi kay EJ o kay Shuji kundi sa sarili ko dahil hindi ko parin talaga siya kayang harapin.
Every time na nasa malapitan lang siya ay naghuhuramintado na ang puso ko.
Parang masusuffocate ako sa bilis ng tibok ng puso ko at ayoko ng ganung feeling coz I would die in frustration to myself!
Besides, sinabi ko naman sa kanya na may girlfriend na 'yung tao. Pero sinagot niya lang ako ng "Ano naman ngayon, kung may girlfriend? 'Di na pwedeng mag-confess?!"
Napepressure na ako.
"Hindi ako ang nagsalita. Wala akong sinabi na magcoconfess ako ng feelings ko kay Dale." Sagot kong hindi siya tinitingnan.
"So hahayaan mo nalang na umalis ka ng bansa na walang mangyayaring improvement sa inyo ng so called crush mo dahil wala ka namang planong magconfess diba? Oh e 'di sige!" Sagot naman niya na parang naiirita na rin.
Sinabi ko na kasi sa kanya ang tungkol sa pag-alis ko ng bansa next week pagkatapos akong kausapin ni mama tungkol dun.
Nalungkot siya nung umpisa dahil magkakahiwalay daw kami pero mabilis din namang nakakarecover nung nilibre ko siya ng pagkain.
At yun na nga pinipilit na niya akong magconfess ng nararamdaman ko kay Dale habang may oras pa daw pero ayaw ko, kasi 'diba ang sagwa tingnan?
Ka babae kong tao tapos ako ang mauunang magconfess? Kaloka! Tsaka, 'di ko pa nakakalimutan 'yung nakita ko.
May girlfriend na si Dale.
"Okay lang naman pala sa'yo na palagpasin ang opportunity. Bahala ka na! Pero ito tatandaan mo Miradeth ah? Kung yang si Dale makakita ng iba, kasalanan mo yun dahil pinalagpas mo ang pagkakataon mo!" Dagdag pa niya na siyang dahilan kung bakit ko ibinaba ang comics ko.
Tiningnan ko siya saglit tapos inis na sinabunot ko ang sariling buhok.
"Ano ba kasing gusto mong gawin ko Ella Jane ah?! Eh sa hindi ko kaya yang pinapagawa mo! Kababae kong tao bes tapos ako itong unang magcoconfess?! No way!"
"Naku! Hoy, babae! This is the 21st century, wala na tayo sa sinaunang panahon at lalong hindi ka Maria Clara kaya may karapatan tayong mga babae na isatinig ang mga nararamdaman natin! May freedom of speech at premarital sex na nga! Confession pa kaya?!"
"Ahhh basta! Pag-iisipan ko!"Sabi ko with crossed arms.
"Anong pag-iisipan?! Gawin mo!"
"HOY! Ano ba kayo?! Tatahimik kayo o hindi?! This is a library, not a supermarket! You better keep quiet if you don't want me to throw you out from the library!"
Sabay kaming natahimik ni EJ sa pagtatalo nung sinigawan na kami ng matanda at masungit naming librarian.
Ngumiti ng pilit si EJ sa kanya tapos nag-peace sign. Pagkatapos nun ay humarap na ulit siya sa'kin.
"Pag-isipan mo yang mabuti ah!" Pahuling sabi niya bago umalis sa harapan ko.
Napabuntong hininga nalang ako. This is frustrating.