Kabanata 21
Tinatanaw ko ang sasakyan ni Jed habang papalayo ito. At nang hindi ko na ito makita ay pumasok na ako sa gate. Pinagbuksan ako ni Manong Berto ang security sa gate namin, binati ko siya ng may ngiti bagay na ikinabigla niya dahil hindi naman talaga ako bumabati sa kanya. Ngayon lang dahil inspired ako. Hihi.
No matter how hard I tried not to touch my lips, unconsciously napapahawak talaga ako rito. Pang-ilang halik na ba 'to ng damuho? Bakit ang saya ko?
Saktong pagharap ko sa bahay, nakita ko na si papa na nakahalukipkip sa may pinto. Agad na napatuwid ako ng tayo. Ang kamay kong nasa labi ay nasa likod na.
Natigilan ako ng bahagya at saglit na nahigit ang hininga. His face was serious and he was staring at me blankly kaya hindi ko alam kung dapat na ba akong matakot sa hitsura niya. Katabi niya si Puppy na maligayang tumakbo patungo sa'kin.
Sa kaba ko'y hindi ko agad nabati si papa. Sinalubong ko ng yakap ang aso nang sa ganun ay kahit paano maibsan ang kaba ko na dulot ng presensya ni papa.
Sa tinginin ko nga dapat na akong matakot. Sa mukha palang niya alam ko ng nakita niya ako na bumaba sa isang sasakyan na hindi naman amin!
Natatakot mang magsalita ay ginawa ko parin para hindi mapaghalataan.
"Nakauwi ka na pala pa?" Patay malisya kong tanong bago buhis buhay na lumapit sa kanya at humalik.
Wala namang reaksyon na tiningnan lang niya ako matapos ko siyang halikan. Kaya mas lalo lang akong natakot at wala sa sariling napalunok. Shit. Ito na ba ang katapusan ko?
Si Puppy naman na walang alam sa nangyayari ay patuloy akong inamoy-amoy at sa takot ko na mapagalitan, ay mas pinagtuunan ko siya ng atensyon.
Yumuko ako para mayakap ang aso sabay ilag rin sa mga halik nito. Habang busy sa pagdila sa'kin si Puppy ay nakita naman ng gilid ng mata ko ang walang imik na pagtalikod ni papa matapos pahapyaw na tumingin sa pinanggalingan ko kanina.
"Manang Loreng, pakibalik si Puppy sa kulungan niya." Rinig kong sabi niya sa matandang mayordoma.
Mas lalo lang akong kinabahan nang lumapit si manang sa'kin sabay kuha kay puppy.
"Handa na ang hapunan, anak." Nakangiti niyang sabi.
Lumunok ulit ako. Kinakabahang tinitigan si Manang. Tiningnan naman niya ako na parang normal lang ang reaksyon ko. Yung parang sinasabi niya na 'wag akong matakot kay papa?
"Kanina pa po ba dumating sina papa?" Tanong ko.
Habang kinakabitan ni Manang ng leash si Puppy ay tumingin siya sa'kin at tumango.
"Mga dapit-hapon na dumating ang mga magulang mo." Sagot niya na mas lalong nagpakaba sa'kin.
Nakapang-ilang mura na ako sa isip ko. Shittt! Talagang malalagot na ako nito!!
Tumayo na ako ng maayos kasabay ng pagtawag ni Manang sa mas batang kasambahay para utusang ibalik si Puppy sa kulungan nito.
Hindi pa ako nakakalakad nang may lumapit na ibang kasambahay sa'kin. Si Frida.
"Ma'am, handa na po ang hapunan. Pinapatawag ka na po ni ser Alejandro."
![](https://img.wattpad.com/cover/137054261-288-k918145.jpg)