Kabanata 22
Kinabukasan, nasa skwelahan na ako. And EJ was with me the whole time since katatapos palang ng Sport fest, wala pa masyadong klasi ang nagaganap.
Kanina, inabangan ako ni Jed sa gate ng school. Siya lang mag-isa katabi ng guard. Nag-usap pa ang dalawa.
He texted me na aantayin niya ako sa gate kaya lang as of this moment, ayokong makita niya ako. Not now that my family want to meet him! No way.
Natatakot ako. Baka kung ano pa ang isipin niya. Nakakahiya!
Baka iisipin niya na hindi pa nga kami, ipinakilala ko na siya sa mga magulang ko. Tapos baka akalain nun na sineryoso ko ang panliligaw niya!
Kaya para hindi niya ako makita, inantay ko na mapatingin siya sa phone niya bago dali-daling pumasok. Sinigurado ko ring hindi nakatingin ang guard sa'kin.
Since isa lang talaga ang entrance namin para mamonitor ng school ang mga taong labas masok. Wala akong choice kundi ang mag ninja moves.
"Hoy. Himala! Wala kang kasama ngayon, Mi?" Bungad sa'kin ni EJ nung makita niya ako sa butterfly area ng school. Lumilinga-linga siya na para bang may hinahanap na kasama ko.
Nasanay kasi ang babaeng 'to na kasama ko lagi si Jed.
Pinatahimik ko siya at inabisuhang 'wag maging maingay. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko lalo na nung inayos ko ang suot na hoody para matakpan ang mukha ko.
Ayoko munang makakuha ng atensyon sa mga tao ngayon.
"What's with the hideous look? You look like a criminal. " Aniya sabay upo sa harapan ko.
Nagkibit balikat lang ako.
"Trip ko lang." Sagot ko naman na hindi niya pinaniwalaan.
Ewan ko ba? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon lalo na at gusto talaga ni papa makilala si Jed... Kahit na alam nila na may tahimik na alitan ang pamilya namin.
She eyed me playfully sabay lapag ng dalawang siko niya sa mesa at pinagsalikop ang mga kamay na pinatungan niya ng nguso niya.
"I smell something fishy..." Natatawa niyang sabi na inirapan ko lang.
There is no way I am telling her about what I am doing. Baka OA lang talaga ang nararamdaman ko kaya gusto kong iwasan muna si Jed lalo na ngayon na gusto pa talaga siyang makilala ni papa!
Pero... Di ba mas okay 'yon kung maipakilala ko siya kay papa? Tama! Bakit parang ako pa ang natatakot na magkita ang dalawa?
Right! It's actually an advantage towards me kung magkita nga sila ni papa! Dahil una sa lahat, nakakatakot ang papa ko. General na general talaga ang dating at napakastrikto.
Kung sakali mang makilala nga ni papa si Jed. Siguradong matatakot 'yon! Baka nga tatakasan pa ako diba?
Plus! Present din sina kuya Henrick at kuya Dixon mamaya. Meaning bantay sarado siya. Konting pagkakamali niya lang siguradong mapapatalsik na siya sa bahay.
Pero pa'no kung mali ang iniisip ko?
Ngumuso ako sabay patong ng ulo sa mesa and then I groan in frustration.