Kabanat 3"Bes, naghiwalay na daw sina Jed at Venice."
"Oo daw, usap-usapan na nga eh, si Jed daw ang nakipaghiwalay."
Naglalakad ako sa hallway sa labas ng classroom namin nung marinig ko iyon sa mga kaklase kong mga chismosa. Tss, habang tumatagal palala na talaga ng palala ang damuho.
Kahit na grade 8 palang kami ay madami ng mga babaeng dinidate ang damuho, kaya hindi na ako nabigla nung sinabi ng mga kaklase kong puro mga chismosa na naghiwalay sila ng flavor of the month niya.
I refuse to call his girls 'girlfriend' because I know na madami sila. 'Wag na nating pagandahin pa ang tawag ng nakakarami sa kanya.
Casanova? Oh please! Dapat diyan fuck boy agad! Pinasosyal niyo lang, e!
But Jed is not the only one at fault here, kasalanan din iyon ng mga babae dahil nagpapaloko sila sa karisma ng ugok.
Alam na ngang manloloko, nagpapaloko parin. Tss, mga tanga.
Kaya mabuti nalang na sa lahat ng mga babae sa school namin, masasabi ko na ako lang yata ang may matinong utak.
At isa pa, ang damuho pa talaga ang may ganang makipaghiwalay sa mga babae niya kahit na siya na nga itong may maraming sidelines.
Pumasok na ako sa classroom habang hinihintay ko pa si EJ.
Sabay kami ngayon mag-lalunch sa cafeteria pero dahil hindi pa tapos ang huling subject nila ngayon bago pa maglunch break ay hihintayin ko na lang muna siya dito sa room.
Maaga kasi kaming pinakawalan ng last subject teacher namin bago magtanghalian dahil may emergency daw sa kanila that she need to check kaya advantage sa'kin because I hate her subject, medyo nano-nosebleed kase ako sa PR2.
Nang natapos na si EJ sa huling subject niya ay dumiretso na kami sa cafeteria pero doon kami dumaan sa seniors building para syempre kahit saglit lang ay masilayan ko si Dale. Hehe. Pababa na rin 'yun sa ground floor, I'm sure!
Nasa hallway na kami sa ground floor ng SHS building nung nagsilabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang room at isa na doon si Dale na may kausap na kaibigan niya siguro at nagtatawanan sila habang tinatahak ang hagdan pababa.
Kaya dali-dali kong hinatak si EJ na maglakad ng konteng bilis para maabutan namin siya na naglalakad hindi kalayuan samin.
"Bilis-bilisan mo E, ayan na si Dale!" bulong ko sa kanya na humahagikhik. Inikutan lang ako ng mata ng bruha! Kaya inirapan ko naman siya ng nakangiti.
Bwesit! Bakit parang alive na alive ako sa isipang magsasabay kami ni Dale?!
Magsasabay...
Hmm. Magsasabay kami ni Dale!
Kinikilig ako sa isipan na makakasabay ko si Dale sa paglalakad kahit na para sa kanya ay wala lang iyon dahil hindi niya naman ako kilala.
Ako lang talaga itong stalker sa kanya kaya kilala ko siya. Hehe.
One step away nalang kami ni EJ kay Dale at sa kasama niya nung naisipan ni EJ na itulak ako sa likod ni Dale!
Kaya nagpapanic ako na nilingon ko ang kaibigan na nagngising aso. Binigyan ko siya ng I'll-kill-you-later look bago ako humarap sa nabangga kong si Dale.
Tumingala ako sa kanya para makita ko ang mukha niya, ang tangkad niya masyado. Based on my research he's 6'1 kaya I can't imagine myself na 5'5 lang, that is why I want to grow already, be mature enough para naman okay na ako sa kanya. Haist...