Kabanata 13

24 9 0
                                    

Kabanata 13






Sa lahat ng gusto kong gawin. Iyon ay ang maglaro laman ng volleyball dahil ang saya naman kasi manapak. Lalo na at sa taong kinaiinisan mo pa. Tulad ngayon, nag-spike ako sa bola at sinadya ko talaga na hindi sa court pumasok kundi sa mukha nung babaeng gandang-ganda sa sarili kung makapanliit sa kapwa niya kaklase.

It's none of my business. I know. Pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. I don't like to see people being bullied just because they're not strong enough to fight for themselves. And this bully really think of herself so high like a real bitch.

I bet she's only 14 years old. But with a grumpy and bitchy attitude already!

Tumama ang bola sa gilid ng ulo niya. Inis na napatingin ang babae sa gawi namin. Nagmamaldita niyang mata ang tinagpo ko, tinaasan ko pa ng kilay. Kapal talaga ng mukha nito kung makapanglait sa kapwa estudyante! 'Di hamak na mas maganda pa nga 'yong binu-bully niya e!

This is really the problem with our society nowadays.People who have the good life more often differentiate themselves to the average! Masyado na yatang spoiled sa laki ng mga ulo nila! I hate it when they treat them that way, it's inequality! They're downgrading and I totally hate it.

"Ugh. Serve ulit! 'Di pumasok sa court!" Sigaw ni Trina na siyang iniwanan ni coach sa'min na mag-facilitate sa mga ka-teamates niya.

Hindi ko siya kinibo dahil titig na titig parin ako sa babae. Nung makita niya ako ay bigla siyang namula at nahihiya niya akong ningitian.

Oh! So you're scared of me, ha?

Hmm.

Humalukipkip ako habang lumalapit sa kaniya at sa babaeng binubully niya kanina na nakita ko pa talaga.

"Sorry, hindi ko sinasadyang tamaan ka. Okay ka lang ba?" Kunwari concern na sabi ko para naman hindi masyadong obvious na sinadya ko 'yong kanina.

Tiningnan ko ang babaeng binully niya kanina na ngayo'y mangiyak-ngiyak ng pinagpagan ang sarili mula sa pagkakadapa dahil dito sa bruhildang hindi ko alam kung sino.

"O-okay lang ate. 'Di naman masyadong masakit,e." Sagot niya.

Tumango ako na hindi siya tinapunan ng tingin at tinulungan ko na ang babaeng naiiyak para tumayo. "Okay ka lang?" Tanong ko rito.

Nahihiya namang tumango siya sa'kin at ilag pa ang mga mata. Para bang takot siyang magkatitigan kami. Hindi ko nalang siya pinilit na titigan ako pabalik at nagbuntong hininga.

Inayos ko ang sarili at nilagay ang mga kamay sa beywang. Feeling ko, parang ako pa ang na-frustrate sa dalawang freshmen na'to. I know they're only freshmen based on the uniform they're wearing on their PE attire.

"Tell me if someone tries to hurt you again. I'll take care of them for you." Ani ko sa binully and I just realized na 'di ko nga pala sila kilala. Pero okay lang dahil wala naman talaga akong planong kilalanin sila.

But I meant every word I said dun sa babae. Kawawa naman kasi siya. Too weak for my liking yet too fragile to be broken.

Right after I said it, I look at the girl who bullied the weak one. Nanginginig niya akong tinitigan at para bang alam na niya ang nais kong ipahiwatig. Mabuti naman.

Hindi ko na sila inantay na magsalita pa. Tinaasan ko lang 'yong maldita ng kilay at saglit lang sinulyapan 'yong damsel in distress na mukhang hindi pa nga yata tapos sa pagproseso nung sinabi ko kanina.

"Asan na ang bola. Magse-serve ulit ako!"

Pagpasok ko sa court, lumapit agad sa'kin 'yong katabi kong si Jenna na volleyball player din.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now