Kabanata 16

28 15 2
                                    


Kabanata 16









Napagalitan ako ni coach dahil sa eskandalong ginawa ko sa soccer field kahapon kaya hindi ako pinaglaro bilang kaparusahan ko daw. Hindi na naman ako nagpumilit, alam kong may kasalanan din ako.

Sinuspende din ako ng school prefect namin for a week kaya hindi ako nakadalo sa pangalawang araw ng sport fest namin and even on the next days. Kaya bored na bored ako sa bahay. Laro lang ako ng laro ng PS4 sa kwarto at nang magsawa ay ML naman o ROS.

Pero hindi parin sapat ang mga 'yon to keep me busy! At ang tahimik pa sa kwarto kaya bumaba ako sa sala namin at doon na naisipang manood ng TV para at least, hindi masyadong lonely ang feeling na wala sina kuya Henrick at kuya Dixon o sina mama at papa dahil may mga kasambahay namang dumadaan.

But then, I forgot hindi nga pala matatahimik ang araw ko dito sa bahay dahil sinisermunan ako ni Manang Loring sa pagkasuspende ko na naman ulit.

"Hija, suspended ka na naman? Pagod na ako, ah! Maawa ka naman sa'kin, anak! Matanda na ako. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagiging basagolero mo? Nung elementary ka ipinatawag ang mama at papa mo dahil may sinuntok ka! Nakapang-ilang punta na ba ako dun at ng mga magulang mo sa parehong reklamo lang din? Bago ka nag-high school, may binasag kang ilong na kaklase mo! Tapos nung isang araw lang may sinuntok ka na naman at nag-eskandalo pa sa laro?"

Bumuntong hininga nalang ako habang patuloy niyang isinasalaysay halos buong kabulastugan ko nung elementary hanggang ngayon. And guess what? Jed Thompson was always involved with my every discipline office and principal's office visits too!

For the nth time! Hindi ako mapapatawag sa disciplinary office kung hindi sinasagad ang pasensya ko ng kumag na'yon!

"Miya, nakikinig ka ba? Ha?" I could almost hear the exhaustion of Manang's voice.

Sumubo ako ng chicharon habang nakaharap sa TV at pagkatapos ay pinagpag ang mga kamay para linisan. Tumayo ako at ningitian si Manang Loring na nasa gilid ng sofa, nakapamaywang at hindi makaganti ng ngiti, mas lalo lang nadepina ang kulubot sa kanyang mukha, tanda ng katandaan. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya patalikod.

"Opo, Manang. 'Di na mauu--." Aniko, nanunuyo pero pinutol niya.

"Ay, naku! 'Di mo na ako madadala sa mga ganyang kilos mo, Miradit ha! Madalas ko na 'yang naririnig ang linya mong iyan tuwing napapagsabihan ka! Hindi na daw mauulit, e pagkatapos lang ng ilang araw nasa discipline's office na naman ako, pinatawag!"

I chuckled at her rant at sa pagsubok niya na kumalas sa'kin. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Miradeth, Manang. Hindi Miradit." Natatawa kong sabi.

"'Wag mo 'kong tawanan! Seryoso ako!"

"Oo na po!" Ani ko at pilit na nagseseryoso. "Magpapakabait na po ako, Manang."

"Dapat lang!"

Tumawa ulit ako. Oh, Manang you're so cute!

Kinalas ko na ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago umupo pabalik sa sofa.

So far, kumalma naman si Manang matapos ko siyang lambingin kaya hinayaan niya na ulit akong manood ng TV sa sala. Pero sinumbong naman ako kay mama at papa. Kaya hayon at napilitan ulit akong makinig sa mga pangaral ni mama nung nagvideo call!

"Ano na naman 'tong sinabi ni Manang Loring sa'kin, Miya? Suspended ka na naman daw?" Ani mama isang gabi nang tumawag sa laptop ko.

"Wala lang po 'yon, ma." Ani ko naman at pilit inaayos ang sarili sa harap niya.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now