Kabanata 4

35 20 0
                                    


Kabanata 4








Kakapasok ko lang sa bahay galing school nung madatnan ko si mama na busyng busy sa pagbibigay ng utos sa mga kasambahay namin.

"Hi, ma!" Ani ko nang makalapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

Hinalikan niya rin ako sa pisngi pero halatang nagmamadali dahil tumingin agad siya sa ibang mga katulong na dumadaan upang utusan.

"How's school, anak?" Tanong niyang hindi tumitingin sakin.

"Well, okay lang naman po." Syempre, nakabawi ako sa mortal kong kaaway! Ang saya ko ngang talaga ngayon.

Gusto ko sanang idugtong dun sa sasabihin ko pero pinigilan ko na lang dahil walang alam si mama tungkol dun sa alitan namin ng damuho.

Hindi naman sa inilihim ko. But sadyang ang pamilya namin at ang pamilya ng damuho ay hindi rin masyadong nagkakasundo. Parang kami lang ng mga anak nila?

Let's just say that they have this history thingy na dahilan kung bakit parang may alitan ang both parties.

Actually, hindi ko alam kung ano ang history na yun pero hindi ko nalang pinansin kasi nga diba mortal ko ring kaaway ang anak.

"What's with all these things?" Tanong ko nung mapansin ko ang mga gamit namin na nasa may sala at nakalagay sa mga maleta.

"Aalis kayo?"

Nilingon ako ni mama tapos ngumiti siya sa'kin.

Now all her attention is on me, she put her arms on my waist, gently leading me the way to the couch. Pinaupo niya ako dun tapos umupo rin siya sa tabi ko.

"No. Tayo ang aalis. We're going to States, we'll visit your grandmother's grave on her birthday next month, remember?" Nakangiting sabi ni mama.

Tumango ako.

We usually go to States to visit grandma's grave every year at lagi kaming nagtatagal dun ng isang buwan bago uuwi pabalik ng Pilipinas.

But I didn't know mom was this excited to prepare everything already before next month.

"Di ba next month pa ang birthday ni lola, mama? Bakit ngayon palang naghahanda ka na?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi naman siguro ako kasama. Wala naman akong kinalaman dun sa project nila diba?

"We are branching out, Miya. For the company to become global! Hindi mo pa maiintindihan ngayon dahil bata ka pa." Natatawang sagot ni mama as if ang bobo bobo ko na hindi ko pa alam ang sagot.

Nagiging busy ulit si mama sa pagmamando sa mga kasambahay ng mga dapat ilipat at dapat na gawin.

"So, mauuna kayo ni papa na umalis ng bansa?"

Nilingon ako ni mama.

"No. Sabay tayong aalis. By next week, luluwas na tayong Maynila. May pupuntahan lang kami ng papa mo saglit na meeting and then we'll fly out of the country."

Kumunot ang noo ko. Ang aga yata para umalis. Paano ang school? E 'di isang buwan akong liban nito?

It's the middle of the school year! Hindi ako pwedeng umabsent. Tsaka, paano na si Dale mylabs ko kung aalis ako? Baka mamiss ako nun. Lol. Okay lang sana kung summer ngayon, but it's not.

"You're dad and I have settled things already. We already processed the things you need to school. Sabi ng dean ng school niyo, everything's okay na daw, dun ka nalang sa States magtapos ng grade year mo. You'll love it there, don't worry. Isa pa, your uncle Seb is missing the only girl of our family." Dugtong niya.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now