Simula

106 25 1
                                    


Simula






Wala sa sarili akong nakaupo sa sahig ng kwarto ko na halos hindi na makilala dahil sa pagdadabog ko kanina nung malaman kong umalis na siya ng bansa... at may iba na.

Iniwan akong luhaan at nag iisa. Kaya pala parang atat na atat siyang lumabas ng bansa. Kaya pala ayaw niyang pakasal sakin dahil una sa lahat nasa ibang bansa lang pala ang tunay niya na mahal.

Nagpupumilit akong pumasok sa bahay nila kanina kahit na hinaharangan ako ng mga security guard sa gate palang. Hindi ko na inisip na malaki ang galit ng pamilya nila sa pamilya ko makumbinsi ko lamang siya na wag akong iwan.

"Parang awa na po guard. Papasukin niyo na ako, please! Gusto ko lang naman pong makausap si Jed kahit ilang minuto lang." Pagmamakaawa ko sa kanila.

Halos ipasok ko na ang buong katawan sa barandilya nung gate at pilit inaabot ang kahit sinong malapit na guard sa pagbabakasakaling kaawaan nila ako.

Puno na ng luhang ang mukha ko at pawis na pawis na rin ako. Nagmumukha ng pulubi ang hitsura pero hindi ko na inalintana iyon. Kahit na kanina pa akong alasais ng umaga dito.

Makausap ko lang si Jed, okay na ako. Maipaliwanag niya lang sakin kung bakit siya nakikipaghiwalay sa'kin okay na ako. Tatanggapin ko na wala na kami basta bigyan niya lang ako ng sapat na rason kung bakit niya naisip na makipaghiwalay sakin.

Pinalis ko ang luha sa mata gamit ang likod ng palad ko at sinubukan ulit na abutin ang matabang sekyo na medyo malapit sakin.

"Please naman guard oh. Please..."

"Umalis ka na nga lang miss. Sabi ng ayaw kang papasukin ng amo namin!" Sagot ng isa sa mga security guard na may katabaan at mukhang naiinis na siguro sakin dahil halos kalahating araw na ako doon.

Mas lalo lang akong nagmakaawa sa kanila.

"Please po. Maawa po kayo sakin. Kaunting oras lang po ang hinihingi ko, aalis din po agad ako pagkatapos. Sige na po..."

"Sabi ng di nga pwede! Ang kulit mo miss ah!"

Mas lalo pa akong humagulhol.

Nawawalan na ng pag asa sa mga guard.

Sumigaw na ako.

"Jed! Jed! Nandito ako sa labas!" Humagulhol pa ulit ako. "Jed! Mahal na mahal kita! Mag usap tayo, babe! Please! Babe!" Desperada kong sigaw.

Inis na nilapitan na ako ng apat na guard at pilit na tinutulak ang mga kamay kong nakahawak sa barandilya.

"Miss nakakaeskandalo ka na ah! Sabi ng umalis na kayo! Hindi nga po pweding pumasok! Boba ka ba?!" Sigaw nung isa pang guard na medyo payat habang pilit na inaalis ang mga kamay kong nakakapit sa balakid ng gate.

"Saglit lang po." Iyak ko sa kanila at pinilit ulit na ipinasok ang mga kamay sa barandilya na agad naman nilang tinampal. Hindi ko yon pinansin. Bumaling muli ako sa malaking bulwagan ng mansyon nila.

"Jed! Babe! Mag usap tayo please! Mahal na mahal kita! Please babe!" Paulit ulit ko yung sinigaw na halos mawalan na ako ng boses.

Inilingan ako ng mga bantay na tila disappointed sakin. May kinuha ang payat na medyo mahaba ang buhok sa kanila sa belt nito na walkie talkie. Lumayo ito ng konti sa kasamahan at may kinausap dun na hindi ko marinig. Habang yung iba naman ay narinig kong mahina nila akong pinagusapan.

"Matigas. Ayaw tumigil."

Kahit na ganun. Hindi parin ako tumigil sa pagtawag kay Jed. Kahit na paus na.

Hindi ko tinantanan ng tingin ang bulwagan ng mansyon nila.

Habang sumisigaw ako ay bigla namang bumukas ang double doors ng bahay nila. Sa isiping ang mahal kong si Jed iyon ay ngumiti ako. Sa wakas.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now