Kabanata 8Buong araw akong stress dahil sa utos ng kumag sa'kin. Galing talaga ng damuho, sinulit talaga ang pangangalipin niya sa'kin! Dagdagan mo pa ng mga bulungan ng mga schoolmates namin sa'min. Some of them even asked me if kami na nga ba ng kumag kaya napatawa nalang ako ng malakas.
Hindi nga kami magkakasundo, ni pagkakaibigan ang hirap naming ibigay sa isa't-isa, intimate relationship pa ba?
"Uwian na. Tapos na ang pang-aalipin mo sa'kin." Ani ko kay Jadeed nung nasa room pa kami at dismissal na rin. Lumabas na 'yong iba naming mga kaklase kaya konti nalang ang nasa loob at mostly sa kanila ay mga die hard fan ng damuho.
"Hindi pa tayo tapos." Sagot niya naman kaya napatingin ako sa kanya with my brows furrows.
Tumigil ako sa pagliligpit ng mga gamit ko.
"Masyado mo yatang na-enjoy ang araw na'to ah?" I said with sarcasm. "But the deal must have an expiration date and it's over."
Tumayo na ako as I put my bag pack on my back. I wink at him one more time before making my way out and he smile at me too. A smile that I know sa'kin lang niya pinapakita dahil sa'kin lang naman siya may galit.
"Not so fast. The day is still not over, cave girl." Napitigil ako sa paglalakad at nilingon siya with confused eyes. "Usapan natin, buong araw hindi kalahati ng araw so wether you like it or not.. sasama ka sa'kin."
As much as I want to kill him right now, I still don't have the right though because he is right so I ended up riding with him in his mustang.
Supposed to be sa motor ko ako sasakay but he insisted na sa sasakyan nalang daw dahil 'di hamak na mas maganda daw ang sasakyan niya kesa motor.
Gusto kong matawa sa sinabi niya, alam ko kasi na he doesn't want motorbikes because it will give him heart attacks and he doesn't know how to drive!
Pinagbigyan ko ang kumag dahil nga alipin niya kuno ako.
Una kaming pumunta sa isang fancy restaurant na alam kong nagrerequire talaga ng proper dress code but since naunang pumasok lang siya na naka-uniform pa ay sumunod nalang din ako sa kanya. Ang bait ng kumag ano? Sumusunod sa gusto ng paaralan namin. Unlike me, hindi ako nag-uunipormi, hindi ko gusto eh.
Nakasuot lang ako ng loose t-shirt at rip jeans kaya pinigilan ako ng staff dun sa restaurant and when Jadeed saw what happened, he slowed down and even walk back and stopped beside me.
"She's with me, it's okay." Ani niya rito sabay pakita ng card sa wallet niya na agad namang sinunod nung babaeng staff.
Lakas makaintimidate ng kumag pero I wonder why hindi ako natatakot sa kanya. Maybe he is not that intimidating enough for me. Ako lang naman kasi ang katapat niya eh. Tsk. Lol.
Nagpatuloy na kaming maglakad at nauna na naman siya ng kunti sa'kin kaya medyo binilisan ko ang mga hakbang ko nang sa ganun ay makasabay ako sa laki ng mga hakbang niya.
"Ulol. Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko na hindi naman niya pinansin hanggang sa pumasok kami sa isang VIP room at nakita ko ang isang sexyng babae, maganda at halatang matangkad na nakaupo sa red couch ng room, mag-isa lang ito at nang makita si Jadeed ay biglang ngumiti ng pagkalaki-laki.
"Jadeed! I'm glad you can make it!" Ani nung babae sabay tayo at nagmamadaling lumapit sa kumag para salubungin ito ng yakap at halik sa labi na para bang sila lang dalawa ang nandun at ako invisible.
Tsk. May date pala ang dalawa, sinama pa ako ng kumag.
Kinalas ni Jadeed ang hawak ng babae sa kanya at nginitian ito. Wala rin sa sarili akong napa-irap sa kanya. Tss, ang landi!