Kabanata 17Sa nanlalaking mata, halos hindi na maalis- alis ni EJ ang paningin niya sa'min ng kumag. Umawang pa ang labi niya habang sinusundan kami ng titig papunta sa table na inuupuan niya ngayon sa cafeteria.
Sinapak ko nalang ang aking noo sa isip. This is not good. May gusto si EJ kay Jed 'di ba?
Ano nalang ang sasabihin ng babae na'to kung malalaman niya na sasabay sa'min ang kumag sa tanghalian?
Bakit pakiramdam ko nagtaksil ako? Tss!
Nang malapit na kami ay hindi na ako makatingin kay EJ. Nauna pang umupo si Jed sa harap ni EJ.
Umupo naman ako sa tabi ng kaibigan ko ngunit hindi parin makatingin sa kanya. Nakita ko tuloy ang mga titig ng mga tao sa mesa namin at nagbubulong-bulungan pa!
"Hi, Edge! Sasabay ako sa inyo ni Miya, ah?"
Napatingin ako sa kumag nang narinig siyang nagsalita. Nakita ko na naman ang kanina ko pang kinaiinisang ngiti niya kaya inirapan ko siya nang tumingin siya sa'kin at kumindat.
"S-sure!" Sagot ni EJ sabay palihim na siko sa'kin. Kaya napakurap ako ng ilang beses at lumunok bago nilingon ang katabi kong kaibigan.
Siniko niya ako. Pagagalitan niya ba ako dahil kasama ko ang crush niya? Ano?
I was expecting the worst but when I turned to her, I saw an amused grin. Though confusion was written all over her face, she doesn't seems upset.
Just what the hell is going on?
"Bibili muna kami ng pagkain, Jed." Aniya na nanatili parin sa'kin ang titig at tinaasan ako ng kilay.
Sigurado ako na sa oras na mawala na kami sa paningin ng kumag ay papaulanan niya agad ako ng mga tanong kung bakit nandito ang kumag sa mesa namin ngayon!
"Sure thing, EJ." Sagot naman ni Jed at bumaling sa'kin. "Gusto ko ng beef tapa, chicken adobo, chicken curry, fries at nachos, any drink would do. And oh! A tuna sandwich would be great too! 'Yon lang!"
Hindi makapaniwala kong tiningnan ang kumag. Ililibre ko na nga, ang dami pang order! Hindi naman sa hindi ko kayang bilhin lahat ng sinabi niya kundi dahil sa napakaarogante niya at feeling may katulong!
'Tsaka, ako pa ang bibili, ha?! Eh, kung siya kaya ang umorder?! Bossing masyado, ah!
I glared at him to which he responded with a chuckle and he grin again, raising one of his brows.
"You owe me, remember?" He said.
"Ang usapan, ako ang magbabayad sa lunch mo pero hindi ako ang oorder! Anong akala mo sa'kin? Utusan?!"
"So, taken for granted mo nalang ang pagkakatawag sa'kin dun sa DO? Aba! 'Di yata makatarungan 'yon, Miya!"
"Sinabi ko bang gawin mo 'yon? Hindi 'diba? Ikaw lang 'tong bigla-bigla nalang sumigaw, kasalanan ko ba 'yon?!"
Ngumiwi siya sa sinabi ko.
"Aba, walang uta--"
Pareho kaming natigilan ng kumag at sabay na napalingon kay EJ.
"HEP! Sandali lang. Hindi ako makasunod! Pero wala akong pakealam, gutom na ako kaya ako nalang ang bibili sa pagkain mo Jed nang sa ganun ay tumahik na kayo. Okay na?" Ani EJ na siyang pumutol sa nagsisimulang bangayan namin ng kumag.