Kabanata 6

38 10 0
                                    


Kabanata 6



Tulala akong umalis dun at umuwi na agad sa bahay para walang makakita sa'kin na ganito ang hitsura ko.

Buong buhay ko, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Isang pakiusap ko lang sa mga magulang ko, and'yan na agad ang mga hinihingi ko.

But today's experience made me realize that not everything you wanna get can be yours. The world is always unfair, we can never say it's fair when we always feel the unwanted emotions.

I guess, what he did is right. At least ngayon, mulat na ako sa katotohanang hanggang pagtingin lang ako sa kanya.

Dahil ngayon, alam ko ng hindi talaga kami para sa isa't-isa. And maybe, sa tagal kong mananatili sa States ay makakalimutan ko rin siya. Tama, makakalimutan rin kita Dale.

"Ano? Ni-reject ka niya?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni EJ. Parang mas lalo lang niyang ipinamukha sa'kin ang kabiguan ko. But, I know I have to face this. Aalis din naman ako...

"Hoy, nireject ka ba?" Tanong niya ulit.

Nagkibit balikat ako at inayos ang pagkakahawak ko sa cellphone ko sa taenga.

"Ano sa tingin mo? I told you that was a wrong idea!" Sagot ko na pilit pinapasigla ang boses dahil ayokong magmukhang talunan. I'm Miradeth Alfonso, I never show any signs of weaknesses.

"So, you got rejected!" Tumawa siya sa kabilang linya.

I know EJ does not take this whole thing seriously. She thinks I'm just playing around with my feelings for Dale!

Hindi ako kumibo. I feel so alone right now. Pero ayoko namang malaman niya na nasasaktan ako. I don't want anyone to touch or know any of my weak spots.

"I'm sorry. Nasaktan ka ba? I shouldn't be laughing at a situation like this. I know you're hurt." Aniya at nagseryoso.

Bigla namang nagpanic ang buong sistema ko. No, she doesn't have to know what I'm feeling right now! I'm strong and she know that!

"I'm not hurt, EJ. I'm just... bothered." Ani ko agad.

"Ano ka ba, Mi! Mabuti nga yung nagconfess ka, kasi nalaman mong wala kang pag-asa— no offense meant ah!"

Tumango ako as if nakikita niya ako.

Nag-usap pa kami ng matagal with her trying to get more information about a while ago with Dale.

And me trying to convince her that I don't cry over petty things. Though it hurts big time, I know I still can manage.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising dahil maaga ang flight namin. Gumising ako na parang walang nangyari kahapon.

We went to the airport with dad carrying our luggages. Si mama naman ay nakaakbay sa'kin habang papasok na ng eroplano.

During the trip, natulog lang ako. Ayokong may makausap at ayoko ring may maisip. I don't want to dwell on the pain. I know its petty.

Dumating na kami ng States at sinalubong agad kami ng sasakyan ni Tito Seb.

Nang makita niya kaming palabas na sa airport ay mabilis niya kaming nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit lalo na si papa.

Tapos tumingin si Tito sa'kin, hinead to foot niya ako na para bang hindi niya ako kilala.

"Ito na ba ang pamangkin kong si Miradeth?" Tanong niya kina papa at lumapit sa'kin pero ngumiwi ako sa tinawag niya sa'kin.

Ugh! How I hate my name, para kasing pangsinauna eh at nasusuka akong pakinggan yun.

"Tito naman eh! Miya nalang!"

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now