Kabanata 7Dahil sa ginawa ni Jadeed sa'kin ay parang mas gusto ko na tuloy na magsuot pa ng mas maangas na damit, 'yong tipong matatakot ka talagang makipagbanggaan sa isang katulad ko?
Buong byahe pauwi sa bahay ay wala ako sa sarili dahil sa kiss na'yon. Hindi ko kasi maalis-alis sa isip ko ang ginawa ng kumag.
I even unconsciously touch my lips. Nababaliw na yata ako!
Mariin akong umiling-iling. This can't be!
Hiningi ko ang mga lumang damit ni kuya Henrick at kuya Dixon sa bahay na binigay naman nila ng walang pag-aalinlangan.
Ayokong bumili ng bago dahil sayang lang ang pera ko nun.
Ang mga damit ko naman na medyo 'girly' kung tingnan ay binigay ko na sa mga kasambahay namin.
I need to be more intimidating to look at, I want to be more fierceful nang sa ganun ay hindi na maulit pang muli ang ginawa ng kumag sa'kin kanina!
Kadiri siya! Idinampi pa talaga niya ang mga labi niya sa'kin na malamang ang dami ng germs dahil sa pagiging fuck boy niya?!
Iniimagine ko pa lang na ang dami na niyang hinalikang babae ay nandidiri na ako. Ew lang.
"Goodness, Miya! Bakit mo pinamimigay ang mga kararampot mo na nga lang na mga damit?!" Inis na sabi ni mama sa'kin isang gabi nang makita niya ang isang kasambahay namin na sinuot 'yong mabulaklakin kong damit na binigay.
"Look at yourself?! Parang hindi ka babae! Paano ka makakapagboyfriend niyan ha?!"
"Ma, ang OA mo ha? Can't you see? Mas gusto ko ang mga ganitong damit, mas presko unlike those dresses and shorts you bought me ang sisikip!" Sagot ko naman. "Isa pa, wala akong planong magkaroon ng nobyo, salut sa lipunan lang 'yan."
She groaned in frustration saka ako nilapitang nakaharap sa computer na naglalaro ng PUBG.
"That's called fashion Miradeth."
"Not to me." Tamad ko namang sagot.
"Ugh! What am I gonna do with you Miya? Ikaw lang ang nag-iisa naming anak na babae pero hindi ko ramdam dahil para ka na ring lalaki!"
"Ma, pabayaan nyo na nga lang ako please? Para mapanatag 'yang sarili mo, hindi ako tomboy okay? Babae ako. Sadyang ayoko lang magsuot ng mga damit na gusto mo."
"Hay! Bahala ka!"
Padabog na umalis sa kwarto ko si mama na hindi ko naman pinansin dahil malapit na akong manalo sa laro.
The next day, pumunta ulit sa bahay namin si EJ, malungkot. Alam kong alam na niya ang nangyari kahapon kaya pinandilatan ko siya dahil sa inis na crush pa talaga niya ang kumag.
"'Wag mo'kong bigyan ng ganyang mukha ha." Sabi ko sa kanya nang naupo siya sa kama ko malapit sa computer set habang ako naman ay busy sa paglalaro ng Rules of Survival sa phone ko.
"Kainis naman kasi! Hinalikan ka ng asawa ko!" Pagmamaktol niya sabay tabi sa'kin at humilig din sa kama.
"Ew lang ha. Bakit crush mo pa ang kumag na 'yon ha? Alam mo namang fuck boy ang loko."
"Basta crush ko siya. I just figured this out nung umalis ka papuntang States."
"And? Nasali ka na rin sa mga babaeng patay na patay sa kanya ano?"
"Hindi 'no! Crush ko lang siya dahil gwapo siya pero hindi naman sa patay na patay talaga!"
Defensive ang lokaret kaya hindi ko na pinilit pang magsalita ng kung ano pa d'yan hindi dahil sa pinagbibigyan ko siya na 'wag nang sabihin pa ang gusto niyang sabihin tungkol sa kumag kundi dahil sa ayoko ng makinig pa sa kanya.