Masyadong naging masarap at malalim ang tulog ko, hindi ko naramdaman kung paano lumipas ang oras.
"Calil, wake up," dinig ko mula sa kung saan.
"Calil!"
"Calil, ano ba, gumising ka na nga. Alas kwatro na ng umaga," pagkadinig ko ng oras ay bigla akong napadilat.
"Hala!"
Hindi ko pala nai-alarm ang orasan ko kagabi.
Nagmamadali akong bumangon at sinipat ang wall clock sa kwarto ko.
It's 04:05 in the morning.
"Nagulat ka, 'no?" Tila nang-aasar pa na sabi ni Marion.
Kumilos ako patungo sa CR para maligo at magbihis, sobrang paspasan ang galaw ko.
Naabutan ko si mama sa dining area habang naghahanda ng almusal.
"Akala ko tulog ka pa."
"Ma, sa school na lang po ako magbi-breakfast, ayoko pong ma-late."
"Maaga pa naman, Calil, mahirap umalis ng walang kain."
"It's okay ma, may baon naman po akong biscuit sa bag."
"Ikaw ang bahala. Mag-iingat ka."
Niyakap ko si mama at nilisan ang aming bahay.
Mabilis akong naglakad patungo sa bus terminal. Mabuti na lang at nakasakay ako kaagad. Nakahinga ako ng maluwag, 5:15 AM pa lang naman. Not bad, maaga pa ako.
Bigla kong naalala si Marion, sa pagmamadali ko'y hindi tuloy ako nakapagpaalam sa kanya.
Sana naman pag-uwi ko ay nasa bahay pa rin siya, naghihintay sa kwarto ko, naghihintay sa aking pag-uwi.
Napangiti na naman ako, I'm dreaming. Tinatrato kong parang buhay na tao si Marion kahit na mali at hindi dapat. Kapag na-attach ako sa kanya bilang kaibigan niya at bigla siyang mawala ay tiyak na maaapektuhan ako.
Hangga't bago pa lang ang lahat, kailangan kong maglagay ng distansya sa pagitan naming dalawa, distansyang makikita ko bilang dahilan para hindi ako masyadong mapalapit sa kanya. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil 'yun ang mas makabubuti para sa aming dalawa.
Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko tungkol kay Marion, pero pinili kong kalimutan muna 'yun.
Nasa tapat na ako ng school namin, nagbababaan na ang mga pasahero, bumaba na rin ako.
Halos mapatalon pa ako sa gulat nang mabungaran ko sa aking pagbaba ang mukha ni Marion, buti na lang walang nakahalata sa akin.
Nagtungo ako sa ilang na lugar, sumunod sa akin si Marion na tila alam ang ibig kong mangyari.
"Ano ka ba? Gusto mo ba talaga akong atakihin sa puso? Bigla ka na lang sumusulpot," kunwari'y inis na sabi ko.
"Sorry na, Calil. Ikaw kasi bigla ka na lang umalis, hindi ka man lang nagpaalam sa'kin," may bahid na pagtatampo ang tinig niya.
"Sorry naman, nagmamadali kasi ako. Buti na nga lang ginising mo ako, kundi-"
"Kundi late ka na naman," pagtatapos niya sa nais kong sabihin.
"Wala ka man lang goodbye kiss," nakasimangot niyang sabi.
"Goodbye kiss? Siniswerte ka!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Ang cute mo talaga," halos maningkit na ang mga mata niya sa pang-aasar sa akin.
"Tigilan mo nga ako, siya nga pala may bilin ako sa'yo."
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...