1st Continuation

192 57 9
                                    

Naghihikab pa ako habang bumababa ng hagdan, nasa taas pa lamang ako ay naaamoy ko na ang nilulutong sinangag ni mama na may pares na tuyo at tocino.

Siguradong gaganahan na naman akong kumain.

Nagtungo ako sa dining area at napansin ko ang isang regalo na maayos na nakapatong sa dining table.

"Ma, kanino po itong gift?"

"Para sa'yo 'yan, Calil," sagot niya na hindi ako nililingon.

"Sa akin po? Para saan?"

"Buksan mo na lang, tiyak akong matutuwa ka."

Bago pa 'yun sabihin ni mama ay naumpisahan ko nang sirain ang gift wrapper.

"Wow!"

Niyakap ko si mama habang hawak ko ang kanyang regalo.

It's a brand new smartphone. Naalala kong nasira ang cellphone ko noong bagong dating pa lang kami sa Felicidad, nalaglag ko ito sa loob ng sasakyan namin at 'di sinasadyang naapakan ko habang nasa biyahe kami, ayun, basag ang screen at nagha-hang na.

"Kaya mag-aral kang mabuti, Calil. Kahit anong materyal na bagay sisikaping ibigay sa'yo ni mama basta maging masaya ka lang."

"Opo ma. Hindi ko kayo bibiguin at kahit wala na po si papa kayong dalawa pa rin po ang inspirasyon ko."

Naging madrama tuloy ang umagang 'yun para sa aming mag-ina.

After breakfast ay nagsimba kami ni mama, walking distance lang ang chapel kaya hindi kami nahirapang marating ito.

'Yun ang unang beses na pumasok ako sa chapel na 'yun. Sa totoo lang ay hindi kami regular na magsimba ni mama, minsan kasi kahit sunday ay busy siya sa negosyo namin sa farm at nakakapagsimba lang siya kapag ordinaryong araw na walang misa. Mag-isa akong naiiwan sa bahay at ayokong magsimba na ako lang dahil hindi pa ako familiar noon sa nayon namin, naiilang akong maglakad sa kalsada. But now is different, na-adapt ko na ang livelihood sa community namin.

Naging taimtim ang panalangin ko. I pray for my entire family, I don't even forget to ask guidance for my study and hopefully, sana makita ko siya ulit.

Simula nang nakita ko siya sa farm ay hindi na siya nawala pa sa aking isipan, malinaw pa rin sa memorya ko ang kanyang maamong mukha. 'Yun marahil ang dahilan kaya bigla na lamang nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko na siyang makita para makahingi ng tawad, na-guilty kasi ako after ko siyang ipagtabuyan noon sa kwarto ko at feeling ko ay masyado akong naging harsh sa isang nilalang na hindi ko pa naman lubusang nakikilala. Sino ba kasi siya? Ano ang kailangan niya sa akin?

Sobrang tahimik sa loob ng simbahan as expected, napaka-organize pa rin ng mga tao kahit nang matapos na ang misa ay maayos silang lumalabas ng chapel.

"Ma, uuwi na po ba tayo?"

"May gusto ka bang puntahan?"

"Wala na ma, excited na po akong umuwi para magamit ko na 'yung phone na binigay niyo."

"Oh, siya sige. Tara na."

Tumigil sa paglalakad si mama para pumunta sa nagtitinda ng mga kakanin.

Nakilala ko 'yung babae na tindera, patay! Siya 'yung babaing nakakita nu'n sa akin bago ako himatayin sa farm.

Kinuha ko kaagad ang atensyon ni mama.

"Ma, uwi na po tayo. Naji-jingle na kasi ako, eh," pagdadahilan ko.

Hindi maaaring magkita sina mama at 'yung babae habang kasama ako baka may maikwento ito kay mama, malalantad ang sikreto ko kapag nagkataon.

"Sige na nga, magpa-deliver na lang tayo ng meryenda sa fastfood."

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon