Pag-akyat ko sa aking kwarto ay nagpalit agad ako ng damit pantulog, inihanda ko ang aking sarili para sa muling pagkikita namin ni Marion ngayong araw ng Pasko.
"Merry Christmas, Calil," bungad na bati niya sa akin.
Mahigpit ko siyang niyakap, yakap na nagpapahiwatig na na-miss ko siya.
"I have a gift for you," I said in a soft voice.
"Talaga?"
Tumango ako at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"I'll sing for you," I gently whispered.
"Wow! Really?"
"Naman!"
"Hulaan ko, My Memory 'yan," masaya niyang sabi.
Naupo kami sa gilid ng tulay at humilig ako sa kanyang balikat.
"Marion, thank you, ha. Kasi nagawan mo ng paraan na makabalik ka sa buhay ko kahit sa panaginip lang," madamdamin kong sabi sa kanya.
"Calil, hindi ko paraan 'to. Sabi ko naman sa'yo, hindi tayo ang may hawak ng kapalaran natin. Gayunpama'y ipinagpapasalamat ko na magkasama pa rin tayo hanggang ngayon," damang-dama ng puso ko ang mga sinabi niya.
Hinaplos ni Marion ang buhok ko, inipit niya 'yun sa aking tainga at hinawakan niya ang aking mukha, napapikit ako.
Sa ikalawang pagkakataon ay naglapat ang aming mga labi, pero mas makatotohanan ngayon dahil isa na siyang tao. Bagamat panaginip lang 'yun, alam kong totoo lahat ng nararamdaman namin para sa isa't isa. Masuyo kong tinugon ang mga halik ni Marion, napayakap ako nang mahigpit sa kanya at halos kapusin kami nang hininga ng sabay kaming kumawala sa mainit na tagpong 'yun.
"Calil, mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang pagtatapat.
"Mahal din kita," tuluyan nang pumatak ang luha na kanina pa nagbabadyang umagos.
"Ayokong dumating ang panahon na pagsisisihan ko ang bagay na ito dahil hindi ko nasabi sa'yo ang tunay kong nararamdaman," malayang pagpapahayag ni Marion sa kanyang damdamin.
"Marion, I love you so much," muli kong niyakap at hinalikan si Marion, gusto kong iparamdam sa kanya ang aking taos pusong pagmamahal.
"Nu'ng una pa lang kitang nakita sa Societies Academy, nahulog na agad ang loob ko sa'yo, kaya kahit alam kong mali ay ipinagpatuloy ko ang pagsubaybay sa'yo. Ewan ko, kung bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, kung kailan isa na lamang akong ligaw na kaluluwa," may kirot sa puso ko ang huling salitang binitawan niya, pero nagpapasalamat ako na sumugal siya para makilala ako.
"Alam mo, halos mamatay ako nu'ng bigla kang nawala. Ilan beses kong ipinagdasal na sana ay namatay na lang din ako para magkasama tayo, sa maikling panahon na nawala ka sa tabi ko, doon ko naramdaman na hindi ko pala kakayaning mabuhay nang masaya kapag wala ka," nagpatuloy sa pag-agos ang aking mga luha, pinalis ito ni Marion gamit ang kanyang palad.
"Calil, I want you to know that you are the greatest gift I had in my entire life and if I would be given another chance to live, probably, I will still choose you to be mine, my Calil," muling naglapat ang aming mga labi, mahigpit niya akong niyakap at dama ko ang tibok ng kanyang puso.
Wala na akong ibang mamahalin kundi si Marion lang, sumpa 'yan.
Hindi kami namasyal ng mga oras na 'yun, in-enjoy lang namin ang sandali na magkasama. Nang mahimasmasan ako ay doon ko na sinimulang awitin ang regalo kong kanta para kay Marion, ang My Memory, for the man who brought me so much memories to remember.
"My memory,
ang pag-ibig ko sa'yo'y wagas,
naro'n lagi ang kasiyahan nito,
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...