Tanghali na ako nagising kinabukasan, sinulit ko talaga ang aking tulog, minsan lang 'yun kaya kailangan kong samantalahin.
Pagbaba ko sa dining area ay wala akong nadatnang tao. Wala si mama.
Nagtatampo pa rin ba siya sa akin? Dahil lang kay Kirk. Napailing ako tungkol sa bagay na 'yun. He is nonsense to be an issue in our life of my mom, he is just an excess food in my plate.
Hanggang sa napansin ko ang isang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, note 'yun ni mama para sa akin. Nakasaad ang pagpapaalam niya na doon muna siya sa farm maglalagi dahil may mga inaasahan daw siyang clients at baka hapon na siya makabalik ng bahay.
She reason out very well, not obvious that she's trying to avoid me.
Mag-isa akong kumain ng agahan ng umagang 'yun, nag-exercise sa paligid ng bahay namin at nagpa-deliver na lang ako ng pagkain mula sa fastfood para sa aking tanghalian.
After lunch ay muli kong binalikan ang project ko kagabi, ngayon ko na ia-upload sa YouTube ang lovestory namin ni Marion na inilahad ko sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation.
Nag-inat lamang ako ng mga braso at hinarap ko na ang desktop sa aking kwarto. Tamang-tama at napakatahimik ng kapaligiran, tanging huni lamang ng mga ibon sa labas ng bahay ang aking naririnig, mas makakapag-concentrate ako sa aking gagawin.
Matapos ang ilang minuto nang pagkalikot ko sa YouTube ay nai-upload ko na ang powerpoint presentation na ginawa ko, naging isa na itong mini video na maaaring panoorin kalakip ang paborito kong kanta na My Memory, pero gaya ng sinabi ko ay private lamang muna ito, gusto ko pa rin pangalagaan ang kasagraduhan ng mga pinagsamahan namin ni Marion.
In-off ko na ang desktop ko at nahiga sa aking kama. Bukas ay papasok na naman ako, kaya kailangan ko nang sulitin ang aking pahinga.
Naidlip ako hanggang sa tangayin ng malalim na pagtulog.
"Calilla Aldamia, kamusta ka na?"
Si Lady Harnea, nakatitiyak akong boses niya 'yun.
"Kamusta ka na? Maligayang pagbabalik sa mundo ng mga panaginip," turan niya sa isang malamig na tono.
"Ikaw nga ba, Lady Harnea," pagkasabi ko nu'n ay siya namang pagbungad sa akin nang nakasisilaw na liwanag.
Si Lady Harnea nga, siya at wala ng iba. Ano kaya ang kailangan niya sa akin?
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Gusto lamang kitang paalalahanan, 'wag mong masyadong sisihin ang sarili mo sa paghihiwalay ninyo ni Marion, dahil habang ginagawa mo 'yun ay lalo lamang akong naaawa sa sitwasyon niyo. Kung may magagawa lang ako para mawala ang bisa ng sumpa ay matagal ko nang ginawa," malungkot niyang litanya.
"Naiintindihan ko po ang mga nangyari," nakayukong sabi ko.
"Calil, para sa iyong ikatatahimik gusto kong malaman mo na hindi ka ganap na nawala sa buhay ni Marion, oo, maaaring hindi ka na niya kilala dahil wala na siyang naaalala tungkol sa'yo, pero hindi 'yun nangangahulugan na tuluyan ka nang naglaho sa kanyang buhay," mahaba niyang paliwanag.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
Isang matamis na ngiti lamang ang sumilay sa labi ni Lady Harnea at doon na ako nagising.
Sa loob ng limang taon ay noon ko lamang muling napanaginipan si Lady Harnea, ang tagapangalaga ng mga espiritu.
"...hindi 'yun nangangahulugan na tuluyan ka nang naglaho sa kanyang buhay," rumehistro pa sa isip ko ang mga huling salitang binitawan niya.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...