Chapter 4 of Season 2

64 26 0
                                    

Muli'y niyakap ko ang kalungkutan sa aking kwarto nang makauwi ako sa amin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na malayo na ang narating ni Marion, oo nasa Philadephia siya at isa na siyang mang -aawit. Hindi pa rin niya ako kilala, pero bakit isa ang My Memory sa carrier single ng album niya.

Nag-decide akong mag-research online, but I failed. Walang kahit na anong trace of identity si Marion sa internet, imposible. Siguro may kinalaman pa rin ang sumpa kaya hindi ko siya mahanap online. Nakakaasar!

Alam kong pareho naming favorite ng mommy ni Marion ang kantang My Memory kaya siguro naging special na rin ito sa kanyang anak at hindi dahil sa akin.

Nagpahinga lang ako ng ilang oras at pagkaraan ay nakipagkita ako kay Erin, may pasalubong rin ako para sa kanya, actually kahit si Kirk ay may regalo mula sa akin, ayoko naman maging rude sa kanya at isiping nakalimutan ko siya, shall I say, tinatablan din naman ako ng konsensiya.

"So, how's States?"

Maaliwalas ang mukha ni Erin nang magkita kami sa isang restaurant.

"Medyo okay na hindi," matamlay kong tugon.

"Oh, bakit? May nangyari ba?"

"I saw him."

"Ha? Sino?"

"My boyfriend," wala naman sigurong masama kung ikikwento ko 'yun kay Erin, after all nasa akin pa rin ang limitasyon kung hanggang saan lang ang pwede niyang malaman.

"What!"

"I mean my ex-boyfriend. I saw his standy in one of the music stores in the mall of Philadelphia, he is now a singer," I informed.

"Wow! That's great. Good thing na may magandang kinahinatnan ang paghihiwalay niyo," tila inaasahan ko na ang reaksyon na 'yun ni Erin.

Kung alam lang niya ang dahilan nang paghihiwalay namin ni Marion ay paniguradong hindi niya ikatutuwa ang nangyari.

Sinakyan ko na lang ang reaksyon ni Erin, wala din naman akong planong ikwento sa kanya ang lahat kaya mabuti pang manahimik na lang ako.

"Hmm, kaya ba may regalo ka kay Kirk dahil na-realize mong hindi mo na pala mahal 'yung ex mo?" Iba talaga ang lawak ng isipan ni Erin, nakamamangha.

"Just a token of appreciation for his kindness to me."

"Sus, kunyari ka pa, aminin mo na lang kasi at bigyan na ng chance si Kirk."

Sa totoo lang, naisip ko na ngang patulan ang nararamdaman ni Kirk para sa akin, gusto kong subukan ang pagkakataon kung magagawa ba nitong ibaling ang akng atensyon sa ibang lalaki.

Muli akong sumimsim ng lemon iced tea at tumikim ng bahagya sa black forest cake na in-order ko.

Alam kong imposibleng mahulog ang loob ko sa kahit na kaninong lalaki, kay Marion lang tumitibok ang puso ko at sa kanya lang gustong umikot ng mundo ko, kaya paano ito titingin sa ibang lalaki? Imposible.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, ngunit nanatiling iisa lang ang tumatakbo sa utak ko, ang bumalik sa Philadelphia. Kaso hindi ko pwedeng iwan dito ang aking trabaho, alam ko naman na mabibigo lang ako sa plano ko kaya makabubuting huwag na lamang akong tumaya.

Ilang gabi rin akong naghintay sa muling pagbisita ni Lady Harnea sa aking panaginip, pero bigo ako.

Pakiramdam ko tuloy habang tumatagal ay nababaliw na ako, laging si Marion na lamang ang laman ng utak ko, paulit-ulit rin akong dumadalaw sa bahay nila sa subdivision ng Felicidad, halos gawin ko na itong pasyalan, alam kong nagtataka na sa akin ang mga guwardiya pero hindi lang nila magawang magtanong.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon