Chapter 11 of Season 2

68 27 0
                                    

Sa kabilang dako, lingid sa kaalaman naming lahat na dumalaw pala si tita Violeta sa puntod ng aking ama.

"Patay ka na, Carmelo, pero galit na galit pa rin ako sa'yo. Hindi kita mapapatawad kailanman."

Nagtatangis ang kalooban ni tita Violeta habang sinasariwa sa kanyang isipan ang mapait na kahapon na ayaw na sana niyang balikan.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Carmelo. Isinusumpa kita, galit na galit ako sa inyo ni Stella, lalo na sa'yo at si Calil, siya ang magbabayad para sa lahat ng mga kasalanan mo," nag-uumapaw ang poot sa puso ng mommy ni Marion.

Walang sinuman ang nakakaalam kung gaano kabigat ang kanyang dinadala o kung anong sakit ang kanyang pilit na tinitiis. Ang tanging sigurado ay ang galit na namamayani sa kanyang puso para aking pamilya.

Dahil sa pagbisita ni papa sa aking panaginip ay naisipan ko rin siyang dalawin sa kanyang puntod.

Kasama si Lady Harnea ay kinailangan naming magbiyahe ng malayo mula sa bayan ng Felicidad pabalik sa dati naming lugar.

"Calil, mukhang may nauna nang dumalaw sa papa mo," saad ni Lady Harnea pagkaraang mapansin ang basket ng bulaklak na nakapatong sa lapida ng aking ama.

"Baka po si mama," simple kong tugon.

Nagtirik ako ng kandila sa ibabaw ng puntod ni papa. Gusto kong magpasalamat at magpaabot ng panalangin para sa kanya. Sana'y mabigyang linaw ang nais niyang ipahiwatig sa aking panaginip.

"Pa, sino ba si tita Violeta sa buhay ninyo ni mama? Bakit ganu'n na lamang ang galit niya sa inyo?" Hindi maiwasang usigin ko ang nananahimik na kaluluwa ng aking ama, alam kong may malaki siyang kinalaman kung bakit ganu'n na lamang ang pagtutol nito sa pagmamahalan namin ni Marion.

Sinikap kong magpakatatag bago nagdesisyong lisanin na ang sementeryo. Nahihirapan pa rin akong isipin kung ano nga ba ang sikretong bumabalot sa buhay ng mga magulang ko at ng mommy ni Marion, bakit ganu'n na lamang din ang paghadlang ng aking ina? Ano ba talaga ang kanilang itinatago?

"Saan mo planong pumunta ngayon?" Untag sa akin ni Lady Harnea.

Tiningnan ko lamang siya ng diretso at walang naging konkretong sagot sa kanyang itinatanong.

Hindi ko rin kasi alam kung saan ba talaga ako sunod na pupunta o kung ano ba ang dapat kong gawin.

Sa nakalipas na ilang buwan na wala akong trabaho bilang news reporter ay nag-part time job ako bilang columnist sa isang broadsheet para magpatuloy pa rin ang pasok ng income ko, online blogger rin ako sa isang sikat na travel magazine at nandiyan pa rin ang isa sa regular job ko as featured editor of a famous publishing company.

So far, established pa rin naman ang career ko at wala pa akong dapat alalahanin, tanging personal na buhay ko lang talaga ang magulo sa akin.

I know for a fact that we can't have all the things that satisfy us. But why is it that? I can't have the most important thing I love instead getting only some stuffs that I don't really need.

Habang tinatahak namin ang daan pabalik sa bayan ng Felicidad ay hindi ko maiwasang gunitain ang mga masasaya naming alaala ni Marion, kabilang na ang mga sandali kung paano kami nagkakilala noong multo pa siya hanggang sa naging bahagi siya ng mga panaginip ko, lahat ng 'yun ay magiging alaala na lamang sa oras na maghiwalay ng tuluyan ang aming mga landas.

"Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ni Lady Harnea ng ipinid ko ang aking sasakyan sa isang bahay.

"Ito po ang bahay namin," tugon ko.

"Wow! Ang ganda ng bahay niyo. Ibig mo bang sabihin ay uuwi ka na?"

Ngumiti ako bago sumagot, "bibisitahin ko lang po si mama at para na rin tanungin kung siya ba ang dumalaw sa puntod ni papa."

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon