Pagkagaling ko sa recording studio ni Marion ay nagdiretso ako sa kompanya ni Kirk, nanghihina pa rin ako pero kailangan ko siyang makausap, uusigin ko siya para sa mga bagay na hindi niya ipinagtapat sa akin. Alam kong matagal na siyang may nalalaman tungkol sa amin ni Marion, pero nanahimik lang siya.
"Hayup ka!"
Nabigla si Kirk sa bigla kong pagsulpot sa kanyang opisina, mabilis na dumapo sa mukha niya ang isang mabigat na sampal mula sa akin.
"Calil," halatang natakot siya sa naging aksyon ko.
"Kailan mo pa alam ang tungkol sa amin ni Marion na magkapatid kami?"
"A-alam mo na?"
"Oo! Alam ko na ang itinatago niyo at ikaw, nagpanggap kang walang alam. Bakit?"
"Calil, hindi ko kagustuhang maglihim sa'yo. Si Marion, siya ang may gusto nito."
Pinagsusuntok ko siya sa kanyang katawan kaya panay ang salag niya sa mga kamay ko.
"I hate you, I hate you so much!"
"I'm very sorry, Calil. Nakiusap lang si Marion kaya namin nagawa 'yun."
"Ano ang mga pinakiusap niya sa inyo? Ano!"
Matinis pa rin sa pagsigaw ang boses ko, ibinuhos ko lahat kay Kirk ang poot na aking nararamdaman, sagad sa langit ang sama ng loob ko ng mga oras na 'yun.
"Calil, let me explain, please."
"Then tell everything!"
"Si Marion ang unang nakaalam na magkapatid kayo, hindi sinasadyang natuklasan niya 'yun sa mismong mommy niya, kaso hindi pa rin 'yun matanggap ni Marion kaya nagpumilit pa rin siyang maikasal kayo," pagsisiwalat ni Kirk.
"Ano?" Bahagya akong natigilan, gusto pa rin akong pakasalan ni Marion sa kabila ng mga nalaman niya na magkapatid kami, hindi ako makapaniwala.
"Kaso, nalaman namin ang plano ni Marion kaya napigilan ko kayo noon," walang pag-aatubiling kwento ni Kirk.
"Hanggang sa nakiusap siya na huwag na lamang ipaalam sa'yo ang totoo tungkol sa pagiging magkapatid ninyo at hiniling rin niya na makasama ka sa huling pagkakataon bago siya tuluyang bumalik sa States," pagpapatuloy niya.
"Hindi, hindi totoo 'yan," tanggi ko.
"Calil, mahal na mahal ka ni Marion, pero talagang hindi kayo pwede."
Akmang yayakapin ako ni Kirk pero tumakbo agad ako palabas ng kanyang opisina.
"Calil!"
Sinubukan niya akong habulin pero mabilis akong nakapagtago. Isinandal ko ang aking likod sa pader habang humahagulgol, takip ng dalawang palad ko ang aking mukha, sobrang sakit ng mga nangyari, 'di hamak na triple ang sakit ngayon kesa noong nagkahiwalay kami ng limang taon, kung noon ay nakaya kong bumangon at magsimula ulit, ewan ko kung magagawa ko ba 'yun ngayon, nagsisikip ang dibdib ko, hindi na ako makahinga.
Naglakad ako palayo, pero sadyang nanghihina na ang aking buong katawan at walang nakapigil sa tuluyang pagbagsak ko sa sementadong daan.
"Ayy! 'Yung babae nawalan ng malay," narinig ni Kirk ang pagkataranta sa tinig ng mga tao.
Samantala, kahit hindi pa lubusang maayos ang pakiramdam ni mama ay sinikap pa rin niyang makausap si Marion, nagtungo siya sa opisina nito para makaharap ito ng sarilinan.
"Tita Stella?"
"Marion, I'm sorry. Alam na ni Calil ang lahat," umiiyak na bungad ni mama sa binata na kung tutuusin ay kanya palang stepson dahil anak ito ng kanyang yumaong asawa.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...