Nasa harap na kami ng altar ni Marion, naroon na rin ang pari na magkakasal sa amin. Nakahanda na ang lahat, "I do" na lamang namin ang hinihintay. Ilang sandali pa ay magiging mag-asawa na kami.
Nag-umpisa na ang pari na mag-sign of the cross, mataman lang na nakatitig sa akin si Marion habang hawak niya ang aking dalawang kamay.
"Itigil mo ang kahibangang ito, Marion," pareho kaming napalingon sa pinto ng chapel at iniluwa nu'n ang galit na si Kirk.
"Kirk," mahinang usal ni Marion sa pangalan nito.
Mabilis na hinablot ni Kirk ang aking braso palayo kay Marion at nagpumiglas ako.
"Ano ba, Kirk? Bitawan mo nga ako," atas ko sa kanya.
"No, Calil. I won't allow you to do this," baling niya sa akin.
Tiningnan ko si Marion at akmang lalapit siya kay Kirk para bawiin ako, kaya lang ay natigilan siya sa mga sinabi nito.
"Tumigil ka, Marion. Alam kong alam mo na ang totoo, nagkita kami ng mommy mo at maging siya ay nag-aalala sa gusto mong gawin," pinagmasdan ko si Marion kung ano ang magiging reaksyon niya pero yumuko lamang siya.
"Halika na, Calil. Itigil niyo ang nakakahiyang bagay na 'to," agad akong hinaltak ni Kirk palabas ng chapel, isinakay niya ako sa kanyang sasakyan.
Naghintay ako kay Marion na sundan niya kami ni Kirk pero hanggang sa makalayo kami sa lugar na 'yun ay hindi ko nakita ang paglabas niya sa chapel. Bakit? Bakit ganu'n na lamang ang naging reaksyon niya kay Kirk? Ano ang alam niya na tila hindi ko pa alam?
Nag-iiyak ako habang nasa biyahe at walang magawa si Kirk para mapatahan ako. Sa sobra kong galit ay sinubukan ko pang pakialaman ang kanyang pagmamaneho kaya muntik na kaming mabangga.
"Damn! Calil, stop it!"
"Pwede ba? Ibaba mo ako. Hindi kita mahal."
"Wala na akong pakialam kung mahal mo ako o hindi, ang mahalaga ay maibalik kita sa mama mo," asik niya.
Nanghina ako sa mga nangyari, pakiramdam ko ay ikinulong ako sa hawla at tinanggalan ako ng kalayaang lumipad.
Nakarating kami ni Kirk sa aming bahay at mabilis akong niyakap ni mama nang makita niya ako.
Subalit, kinalas ko ang pagkakayakap ni mama at tumakbo ako patungo sa aking silid na kinandado ko para walang makapasok.
Dito ay pinagsisira ko ang mga gamit na maayos na nakahanay, inihagis ko ang mga 'yun at ang isa ay tumama pa sa glass window na dahilan para ito'y mabasag.
Nag-unahan sa pagkatok sina mama at Kirk sa aking kwarto, pero galit ang aking ibinuwelta.
"Hindi ko kayo kailangan, magsialis kayo sa buhay ko. I hate all of you!" Nag-uumapaw sa poot ang aking puso, nagagalit ako sa mga pakialamerong nakikialam sa buhay namin ni Marion.
Kung noon ay wala akong nagawa para ipaglaban ang aming paghihiwalay, ngayon ay sisiguraduhin kong may magagawa ako.
Lumipas ang ilang araw at nasa loob lamang ako ng aking silid, dinadalhan ako ng pagkain ni mama pero hindi ko 'yun kinakain hangga't nariyan siya, hindi ko rin siya kinikibo, gusto kong maramdaman niya kung ano ang naging epekto sa akin ng kanilang pagiging mapangahas para panghimasukan ang pagmamahalan namin ni Marion.
Wala akong kaalam-alam na may pag-uusap na nagaganap sa pagitan nina mama, Kirk, tita Violeta at ni Marion. Oo, bahagi si Marion sa pag-uusap na 'yun, bagay na kahit minsan ay hindi ko nalaman.
"Please, tita Stella, pagbigyan niyo po ako sa pabor na hinihingi ko at ipinapangako ko po na ako na mismo ang lalayo," pakiusap ni Marion sa aking ina.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...