11th Continuation

71 41 0
                                    

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw, paulit-ulit kong nakasama si Marion sa aking panaginip. Nakarating kami sa iba't ibang panaginip ng mga tao, minsan ay nasa ibang bansa kami o 'di kaya ay sa mga magandang tanawin dito sa Pilipinas, depende sa setting ng panaginip ng isang tao. May mga dark dreams o nightmares pero napakabihira lang nito o 'di naman kaya ay madali rin na naglalaho.

Halos naging reyalidad ko ang aking panaginip at tila isa naman akong estranghero sa aking tunay na buhay.

Nandiyan pa rin syempre si Erin bilang kaibigan ko sa reyalidad at kahit gaano man kaordinaryo ang buhay ko sa mundo ng mga tao ay nandito pa rin ang karamihan sa aking mga mahal sa buhay.

Bagamat bahagi lamang si Marion ng aking panaginip ay masasabi ko namang tunay ang damdamin na ipinararamdam ko sa kanya kapag magkasama kami, lahat ay totoo, pwera sa katotohanang nabubuhay na lamang siya sa tulog kong diwa.

"Calil, malapit na ang Christmas break, what's your plan?"

"We'll stay at home and celebrate in our own-classy way," I smiled.

"Kami naman nina lolo't lola ay magbabakasyon sa States for a week, request kasi ng parents ko," masayang balita ni Erin.

"Wow, that's nice. Pasalubong ko, ha?"

"Oo naman, ikaw pa ba ang makakalimutan ko."

Natuwa ako sa sinabing 'yun ni Erin, hindi dahil sa may pasalubong siya sa akin pagbalik niya, kundi dahil makakasama niya ang parents niya this Christmas, malaking bagay na 'yun para sa isang pamilya na makapiling ang mga mahal nila sa buhay sa mahalagang okasyon.

Time passed so quick like the flash of thunder in the sky. We are now heading for Christmas day.

"Kamusta na kaya si Erin?" Tanong sa akin ni mama habang nakaharap kami sa fireplace na pinadidingas niya.

"I'm sure ma, she's very much happy."

"Oo naman, kahit sinong anak ay matutuwa na makasama ang mga magulang niya ngayong Pasko."

Napayuko ako sa sinabi ni mama, bigla akong nakaramdam nang pitik sa aking puso dahil sa kanyang sinabi.

"Si papa mo na naman ang naaalala mo," napatingin siya sa akin.

"Anak, sigurado akong masaya ang papa mo kung nasaan man siya ngayon, dahil nakikita niyang masaya ka rin," pinilit kong ngumiti sa tinuran ni mama.

"Sorry ma, until now, hindi pa rin po ako sanay na wala si papa."

"Just always smile, everything will be okay."

After nang tagpong 'yun ay nagtungo ako sa aking kwarto para mag-rehearse ng kanta. Aaralin kong mabuti ang lyrics at tono ng My Memory, 'yun kasi ang plano kong gawing regalo kay Marion sa pagsapit ng Pasko, ang boses ko. Hindi naman kasi ako maaaring magdala ng kahit na ano mula rito papunta sa aking panaginip, kaya 'yung boses ko na lang, tutal naman ay dati pa niya itong niri-request.

In-open ko ang playlist ng cellphone ko at pinatugtog ang paborito kong awitin.

Kahit saan anggulo talaga tingnan ay madali ako nitong nadadala sa aking mga magandang alaala, mula pa noong bata ako na nandiyan si papa hanggang sa pagdating ni Marion sa buhay ko, lahat 'yun ay sinasariwa ng kantang aking pinakikinggan, very memorable.

The music that also serves as my lullaby song held me to sleep.

"Ang aga mo yatang nakatulog ngayon," bungad sa akin ni Marion nang makabalik ako sa aking panaginip.

Katulad ng dati, ipinapaalam niya sa akin na panaginip lang ang lahat at unti-unti ko namang naaalala ang mga nakaraan kong pagbisita dito, laging ganu'n ang scenario kapag bumabalik ako sa aking panaginip.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon