10th Continuation

87 42 0
                                    

Nasa school vicinity na ako, malapit sa gate ng school campus.

"Calil!"

Napalingon ako sa aking likuran.

"How are you?"

Si Kirk, ang lalaking nakilala ko sa Nativity Park.

"I'm good."

"Ihahatid na kita sa room niyo," alok niya.

"No need, dadaan pa kasi ako sa CR," nakita kong napahiya ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Sorry, sige next time na lang. Ingat ka," paalam niya.

Palusot ko lamang ang sinabi ko kay Kirk, ayoko kasing magkaroon ng kaugnayan sa kahit na kaninong lalaki. Hindi ako interesado sa kahit na kanino maliban kay Marion.

"Uy, Calil. Nakita kong kinakausap ka ni Kirk, magkakilala na pala kayo," bungad sa akin ni Erin nang madatnan ko siya sa loob ng classroom namin.

"I know his name, just his name."

"Sus, mabait naman 'yun, President siya ng Student Council natin," maikling introduksyon ni Erin kay Kirk.

"I'm not interested," simple kong tugon.

"Masyado ka namang loyal sa boyfriend mo, sana lahat ng babae katulad mo. Eh, 'di sana lahat may forever," natatawang litanya ng kaibigan ko.

"I'm not friendly, you know that. And if Kirk is trying to be friends with me then he is wasting his time," I insisted.

"Fine. But please, try to be civil. Don't forget that he's our Student Council President."

"I won't forget."

Kung pwede ko nga lang sabihin kay Erin ang totoo ay ginawa ko na. Nayayabangan kasi ako sa dating ng Kirk na 'yun, hindi ko siya feel at ayaw kong madikit man lang kahit ang pangalan ko sa kanya.

Sumapit ang oras ng lunch break at magkasama kami ni Erin sa school canteen.

"Hi girls, can I sit with you?"

Sinipa ko ang paa ni Erin na nasa ilalim ng mesa, tiningnan niya ako.

"Ay, sorry, Kirk. Paalis na rin kasi kami, may tinatapos pa kasi kaming project sa classroom," pagdadahilan ni Erin.

"Let's go, Erin," aya ko sa kanya.

Nilingon pa ni Erin si Kirk na tipong nakokonsensiya sa ginawang pag-iwas sa lalaki.

"Hey, type mo ba siya?"

"Hindi, 'no," mariin niyang pagtanggi.

"Eh, ba't ganyan ang reaksyon mo, parang nanghihinayang ka," giit ko.

"Well, he is nice naman para iwasan natin, pero siguro tama rin 'yun."

"What do you mean?"

"Mahirap ma-associate ang isang babae kay Kirk, mayroon kasi itong selosang kababata, si Bella. And she will make your life a living hell once you make an attachment to Kirk," paliwanag ni Erin.

"Really? Then better, wala siyang poproblemahin sa akin," nakakatuwa kong reaksyon.

"Sana nga wala, but I think you need to prepare yourself," pagpapaalala ni Erin.

"I thought, Kirk likes you."

Ano daw? Ang lawak talagang mag-isip ni Erin, ang bilis niya agad magbigay ng konklusyon. Agad-agad, type na ako ni Kirk.

"Pwede ba 'wag kang tumawa," nakaismid na sabi ni sa akin.

"Eh, kasi naman, ang wild mo mag-isip."

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon