Chapter 6 of Season 2

71 28 0
                                    

Dumating ang araw na aking pinakahihintay, ang pagpapakilala sa akin ni Marion sa mommy niya.

"Ma, she is Calil, my girlfriend."

"Good afternoon po, tita Violeta," binanggit na sa akin ni Marion ang pangalan ng kanyang ina kaya alam ko na ito.

"You look familiar hija. Oh, the one in the hospital, five years ago. I remember you," she embraced me with warmth welcome.

"I'm so happy to see you again," she added.

"Glad to know that you already met before," masayang reaksyon ni Marion.

Napakaganda pa rin ng mommy ni Marion, wala pa rin kupas ang kanyang itsura, taglay pa rin niya ang sopistikadang ganda na hinangaan ko noon.

After our noontime snack with tita Violeta, we decided to go in our house. This time, it's my turn to introduce her to my mom.

"Ma," malakas kong tawag sa pangalan ni mama nang makapasok ako sa aming bahay.

"Nandito ako sa kusina," narinig kong tugon niya.

"Ma, may mga bisita po tayo. Kasama ko po sina Marion at ang mommy niya, si tita Violeta," pagkasabi ko noon ay may narinig akong kalabog sa kitchen na wari'y may nabasag na bagay.

"Ma, okay lang po ba kayo?"

Nag-aalala akong lumapit sa aking ina at nakita ko ang nagkapira-pirasong pinggan na nagkalat sa sahig.

"Sino kamong mga kasama mo?"

"Si Marion po at ang mommy niya, si tita Violeta."

"Violeta?"

Magkasama kami ni mama na nagtungo sa sala kung saan ko iniwan ang aking mga mahalagang bisita.

Nakita kong napatayo ang mommy ni Marion sa aming pagdating at diretso niyang tiningnan si mama.

"Stella?"

"Kamusta ka na, Violeta?"

"A-ayos lang ako," nauutal na tugon ng mommy ni Marion.

"Anak mo si Marion?"

"Oo, anak ko siya," napakasimple lang ng tugon ni tita Violeta kay mama pero napansin kong namutla ang mukha ng aking ina.

"At si Calil, anak niyo siya ni Carmelo?"

Natigilan si mama sa tanong ni tita Violeta, nagtaka ako na kilala niya ang aking mga magulang. Sino ba siya sa aming pamilya?

"Oo, kaso maaga siyang nawala."

"Patay na si Carmelo?" Gulat na gulat na tanong ni tita Violeta, mabilis na rumehistro sa kanya ang labis na pag-aalala.

"Marion, we have to go. Sumama ang pakiramdam ko. Kailangan na nating umuwi."

"Pero ma-"

Iritable si tita Violeta nang lisanin nila ni Marion ang aming tahanan. Dumako agad ako kay mama na tila naghihintay ng kanyang paliwanag.

"Calil, simula ngayon, kalimutan mo na si Marion."

Nagulantang ako sa mga sinabing 'yun ni mama.

"Ma!"

"Mabuti na 'yung hangga't maaga pa'y maghiwalay na kayo."

"Pero bakit po?"

"Mortal na kaaway ang turing sa atin ng mommy ni Marion, galit siya sa amin ng papa mo at sinisigurado ko sa iyo na hindi niya gugustuhin na maging bahagi ka ng kanilang pamilya," nawalan ako ng buwelo sa mga ipinagtapat ni mama, animo'y may bomba na sumabog sa aking harapan.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon