4th Continuation

127 51 2
                                    

Natanaw ko si mama na lumalabas ng aming bahay.

"Marion, si mama."

Bago pa ako makita ng aking ina ay tumayo na ako, ayokong magtaka siya 'pag nakita niya akong nakaupo sa ilalim ng puno.

"Oh, anak. Kararating mo lang ba?"

"Opo ma."

Tiningnan ko si Marion kung nakaupo pa rin siya sa bato, pero hindi ko na siya nakita.

"Ma, pasok na po ako sa loob."

"Sige, nandoon sa kusina ang meryenda mo, kumain ka na lang."

"Saan po kayo pupunta?"

"Bibisita ako sa farm, may harvest tayo ngayon ng mga prutas. Hayaan mo dadalhan kita."

Umalis na si mama, sakay ng tricycle.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan ko si Marion sa kitchen na nakatungo.

"Oh, dito ka lang pala nagpunta."

"Ang sarap ng meryenda mo, Calil. Chocolate cake. Sana nakakakain pa rin ako ng mga ganyan," malungkot siya habang pinagmamasdan ang cake sa mesa.

"Nakakaramdam ka pa rin ba ng gutom?"

"Hindi na. Pero natatakam pa rin ako sa ganyang pagkain."

Bahagyang nagbago ang pakiramdam ko. Naiiyak ako pero hindi ko magawang ilantad kay Marion ang nararamdaman kong awa para sa sitwasyon niya. Ako ang nahihirapan, hindi ko kayang makitang nasasaktan siya dahil sa pagiging multo niya, sana umakyat na lang agad ang espiritu niya sa pupuntahan nito, hindi na sana kami nagkakilala.

Umiling ako. Hindi ko dapat pagsisihan ang pagdating ni Marion sa buhay ko dahil lang sa naaawa ako sa kanya, isa 'yun sa pinakamagandang bagay na nangyari sa akin sa Felicidad.

"Aakyat muna ako sa kwarto ko, dito ka lang ba?"

"Bababa ka rin naman 'di ba? Kakainin mo 'tong cake."

Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

"Hihintayin na lang kita dito."

Iniwan ko si Marion sa kitchen, pumanhik ako sa aking kwarto para magbihis at mag-isip.

Tama ba ang ginagawa kong pag-entertain kay Marion para maging kaibigan ko? Hindi kaya masyado lang akong nalulungkot kaya naghahanap ako ng ibang bagay na maaari kong pagbalingan ng aking atensyon? Pero iba si Marion. Naging masaya ako sa ilang araw pa lamang niyang pamamalagi sa buhay ko. Kailangan niya ako at kailangan ko rin siya, kung anuman ang dahilan ay sapat na 'yun para manatili siya bilang kaibigan ko.

"Marion, kain tayo," alok ko sa kanya habang ini-slice ang cake.

"Thanks. Makita lang kitang masarap na kumakain, okay na rin ako. Hindi naman talaga ako nagki-crave. Nami-miss ko lang 'yung cake," paliwanag niya.

Sabi niya, eh. Kaya inumpisahan ko na ang pagtikim sa chocolate cake na gawa ni mama.

"Masarap ba?" Tanong niya.

"Syempre, si mama ang nag-bake nito, eh," pagmamayabang ko.

"Talaga, ang galing naman."

"Marion, pwedeng magtanong?"

"Oo naman. Ikaw pa ba?"

"Hmm, kasi sabi mo taga-Felicidad ka, kaso nagtataka ako, bakit hindi kayo familiar ni Erin sa isa't isa?" Nakita kong napangiti siya sa tanong ko.

"Malaki ang Felicidad, Calil. Napakalawak nito para magkakilala ang lahat ng mga nakatira dito. Isa pa, secluded itong nayon niyo at nasa dulo naman ng bayan ang bahay namin, it means, parehong nasa boundaries ang mga lugar na tinitirhan natin," salaysay niya.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon