Chapter 12 of Season 2

80 28 0
                                    

Kinaumagahan paggising ko ay may nasilayan agad akong bisita sa bahay namin, ang bestfriend kong si Erin.

"Naku bes, sorry ngayon lang ako nagpakita sa'yo, nag-out of the country kasi kami ni Rael, ipinakilala ko na siya sa parents ko," nakakatuwang bungad niya sa akin.

"So, may dala kang pasalubong?"

"Syempre naman, ikaw pa ba?"

Nagyakapan kaming dalawa para iparamdam kung gaano namin na-miss ang isa't isa. Matagal-tagal ko rin na hindi nakita si Erin at siguradong mahaba ang utang kong kwento sa kanya.

"Nabanggit lahat sa akin ni Kirk ang mga nangyari sa inyo ni Marion, tinawagan niya ako while in the States," pagbabalita niya.

Ganu'n naman pala, mabuti at kaunting detalye na lamang ang idadagdag ko sa mga nasagap niyang kwento mula kay Kirk, hindi na ako mahihirapang magpaliwanag at maglabas ng emosyon.

"Hayssttt," I sighed.

"Wow, ang lalim naman ng buntong hininga na 'yun, may pinaghuhugutan," nagtatakang reaksyon ni Erin.

Natigilan kami pareho sa pag-uusap ng biglang bumaba si Lady Harnea.

"Oww, who's that pretty lady? She has an angelic face, ah."

Nginitian ko si Lady Harnea bago ipakilala kay Erin.

"Siya si Miss Harnea, ang dating coach sa organization na sinalihan namin ni Marion," parehong deskripsyon ang ibinigay ko para naman conclusive ang aking pagsisinungaling.

Ipinakilala ko rin si Erin kay Lady Harnea at alam kong nagkagaanan sila agad ng loob.

"Ikinagagalak kitang makilala, Erin," matamis na ngumiti si Lady Harnea sa bestfriend ko.

"Well, masaya ako na nandiyan ka, it means you were there during the hard times of my beloved bff," Erin stared at me with curiosity.

"So, ano nang nangyari? Nasaan na si Marion?"

Sa halip na sumagot ay umiling lang ako, hindi ko naman kasi talaga alam kung nasaan si Marion, simula nu'ng eksena sa airport ay hindi ko na ulit nasilayan ang kanyang mukha, basta ang alam ko lang ay hindi siya natuloy sa kanyang pag-alis pabalik sa States.

"Are you hiding something, Calil?"

Tiningnan ko ng diretso si Erin bago tumugon, "I honestly don't know what's going on, things happened that way."

"Ang labo niyo naman," palasak niya.

"Akala ko ba kwenento na sa'yo lahat ni Kirk, bakit parang nakukulangan ka pa?"

"Syempre, version ni Kirk 'yun at iba naman ang panig mo."

"Erin, 'wag na lamang natin pag-usapan, marami pa kasi akong bagay na gustong malaman. Siguro pag-ready na ako, saka mo na lang malalaman ang lahat."

"Fine, pipilitin kitang unawain kahit na sa totoo lang ay hirap akong tanggapin ang kasalukuyan ninyong sitwasyon ni Marion," naramdaman ko ang pakikisimpatya ni Erin sa aming kalagayan, alam kong naguguluhan siya sa mga bagay na hindi niya rin batid.

Nagpaalam na si Erin pagkaraan ng ilang oras na pakikipagkwentuhan sa amin ni Lady Harnea, hindi na siya naharap ni mama dahil hanggang sa mga oras na 'yun ay natutulog pa rin ito.

Oo nga pala, kailangan kong makausap si mama tungkol sa bagay na aking natuklasan kagabi. Bakit nga ba may larawan silang tatlo nina papa at tita Violeta? Ano ba talaga ang mayroon sa kanila?

"Calil, bigla kang natahimik," puna sa akin ni Lady Harnea ng kami na lamang dalawa ang nasa sala.

Dinukot ko sa aking bulsa ang isang bagay na inipit ko roon kagabi at inilahad ko ito sa kanya.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon