Nu'ng umagang umalis si mama sa bahay namin ay nakipagkita pala siya kay Kirk para iabot ang isang folder na labis naman nitong ikinabigla.
"Lumabas na ang result, Kirk."
"This can't be, tita Stella."
"Ibang klase talaga si Violeta, hanggang ngayo'y kinakain pa rin siya ng kanyang personal na galit."
"Ipinaalam niyo na po ba ito sa kanya?"
"Para saan pa, Kirk? Kung sa mga oras na ito ay paalis na sila ni Marion pabalik sa States."
"Ano po? Aalis na sina tita Violeta at Marion?"
"Kailangan sumailalim ni Marion sa isang major operation para sa kanyang head injury, hindi maganda ang naging epekto sa kanya ng dalawang aksidenteng kanyang kinasangkutan, may na-damage na bahagi ng utak niya at kailangan itong agapan sa pamamagitan ng isang operasyon para hindi malagay sa panganib ang kanyang buhay," pagtatapat ni mama sa tunay na kondisyon ni Marion.
"Paano niyo po nalaman ang lahat ng ito, tita Stella?"
"Tinawagan ako ni Marion kahapon para magpaalam. Unfortunately, ngayong tanghali lang lumabas ang result nang ipinagawa kong test," may panghihinayang na pahayag ni mama.
"Hindi maaari ito, tita Stella. Kailangan malaman nina Calil at Marion ang totoo. Sayang po ang mga naging sakripisyo nila para sa kanilang pagmamahalan," giit ni Kirk.
"Nandoon na ako, pero kusa na rin silang nagparaya at kung para ba talaga sila sa isa't isa ay tanging panahon na lamang ang siyang magtatakda."
Matapos ang naging pag-uusap sa pagitan nina mama at Kirk ay hindi na napalagay ang loob ng huli at kung anu-ano na lamang ang pumapasok sa kanyang utak. Hindi niya lubos maisip na basta na lamang kaming naghiwalay ni Marion, naghiwalay kami kahit labag 'yun sa aming nararamdaman.
Dahil doon ay hindi kinaya ni Kirk ang pananahimik kaya isang araw bago ang nakatakda kong pag-alis patungong London ay bigla na lamang siyang sumulpot sa aming bahay.
"Calil, please don't go," nagtataka kong dinig mula sa kanya.
"Ano?"
"Please, 'wag kang magpunta sa London, sa halip ay sundan mo si Marion sa States. Kailangan ka niya, delikado ang kanyang kondisyon at kung hindi magtatagumpay ang operasyon na gagawin sa kanya, b-baka tuluyan na kayong hindi magkita," mangiyak-ngiyak na pagtatapat sa akin ni Kirk, bagay na nagpawala naman sa aking konsentrasyon.
"I'm so sorry, Kirk. Pero everything ends well. Maayos na kaming nagpaalam ni Marion sa isa't isa."
"No! You don't understand, Calil. Hindi talaga kayo magkapatid ni Marion, lumabas na nu'ng isang araw ang result ng DNA test na ipinagawa ni tita Stella sa mga specimen ninyo. Calil, Marion and you are not siblings," pagdidiin sa akin ni Kirk.
Nagulat ako sa mga bagay na aking nalaman pero pakiramdam ko ay huli na para doon, nakatakda na ang lahat. Hindi na ako pwedeng umatras sa flight ko, lahat ay nakalatag na. Isa pa ay gusto kong tumalima sa naging huli naming pag-uusap ni Marion, na maghihiwalay kami na masaya at babaunin namin ang magandang alaala ng isa't isa.
Naging mapilit si Kirk na sundan ko si Marion sa States, kaya siya pa mismo ang bumili ng plane ticket para makapunta ako doon, iniwan niya ito kay Lady Harnea at mariing ipinakiusap na iabot ito sa akin.
Pagsapit ng takdang araw ng flight ko ay inihatid ako nina mama, Lady Harnea at Erin sa airport, lahat sila ay magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman para sa aking gagawing paglayo, gayunpaman ay naroon ang kanilang suporta para sa bagong landas na tatahakin ko upang matupad ang aking mga pangarap, may kaunti mang sakripisyo ay worth it pa rin.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...