Chapter 8 of Season 2

55 25 0
                                    

Habang nasa biyahe kami ay tinanong ko ng mabuti si Lady Harnea tungkol sa mga nangyari sa kanya. Bakit siya biglang napadpad sa mundo ng mga tao.

"Naaalala mo pa ba ang mga sinabi ko sa iyo? Mababali lamang ang sumpa sa inyo ni Marion kapag nawala na ang aking kapangyarihan," matiim ko siyang pinakinggan.

"Opo, pero ang ibig po ba niyong sabihin kaya bigla na lang naalala ni Marion ang lahat ng tungkol sa amin ay dahil nawalan na kayo ng kapangyarihan?"

Nginitian niya lamang ako bago tumugon.

"Ganu'n na nga, Calil, pero wala akong pinagsisisihan. Alam kong may magandang bagay na nangyari sa pagkawala ng aking kakayahan bilang tagapangalaga ng mga espiritu," kahanga-hanga ang pagiging positibo ni Lady Harnea sa kabila ng kanyang kasalukuyang sitwasyon, hindi mo mababanaag sa kanya ang labis na pag-aalala.

"Paano po nawala ang kapangyarihan niyo?"

"Mahabang kwento, Calil. Darating din ang panahon na malalaman mo kung ano talaga ang nangyari. Sa ngayon, kailangan ko ng tulong mo," tumingin siya sa malayo pagkaraang sabihin 'yun.

"Po? Ano po ang maitutulong ko sa inyo?"

"Wala akong matutuluyan, Calil. Kailangan ko ng tirahan," nababahala niyang pagtatapat.

"'Yun lang po ba? Wala pong problema, welcome po kayo sa unit na tinutuluyan ko," masaya kong tugon.

Hinawakan niya ang aking kamay, "maraming salamat, Calil. Napakabait mo talaga."

Sa simula pa lang ay magaan na ang loob ko kay Lady Harnea, oo, minsan akong nakaramdam ng galit sa kanya dahil sa pagkawala noon ni Marion pero kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Maligaya ako na ngayon ay may bago akong kaibigan, isang nilalang na maaari kong maging kanlungan sa aking kasalukuyang kalagayan.

"Calil," untag niya sa akin.

"Po?"

"Bakit parang galit na galit sa'yo ang mommy ni Marion?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot, "sa totoo lang po ay hindi ko rin alam. Sabi lang po sa akin ni mama ay may galit daw po si tita Violeta sa kanila ni papa kaya hindi nito hahayaang maging bahagi ako ng buhay ni Marion."

"Hmm, naniniwala ka ba sa mga sinabi ng mama mo?"

"Hindi ko rin po alam. Ayoko na lang pong alamin," dismayado kong tugon.

Tumikhim si Lady Harnea at muling tumingin sa malayo. Pinagmasdan ko ang kanyang katahimikan, napakamisteryosa niyang tingnan, animo'y may mga nakatagong lihim sa bawat detalye ng kanyang mukha.

"Basta, Calil. Kahit na anong mangyari, sundin mo ang itinitibok ng iyong puso. Marami na kayong pinagdaanan at hindi na ito ang panahon para sumuko ka pa," napakalalim ng kanyang mga sinabi.

Kung kasama ko lang sana si Marion ay magkikita rin sila ni Lady Harnea. Siguradong ikatutuwa niyang malaman na magiging bahagi na rin ito ng aming mga buhay.

Pagdating ko sa condominium ay ipinarada ko kaagad ang aking sasakyan sa garahe.

Sobra-sobra naman ang laki ng unit na inuupahan ko para sa isang tao lang kaya hindi makakaistorbo sa akin si Lady Harnea, gusto ko siyang tratuhin bilang isang espesyal at importanteng panauhin.

"Ang laki nitong bahay mo," nakakatuwa niyang reaksyon.

"Sakto lang po. Hmm, curious lang po ako. Nagagawi rin po ba kayo dito sa mundo ng mga tao kahit noong tagapangalaga pa kayo ng mga espiritu?"

"Oo naman, kapag may kaluluwa akong kailangan sunduin o damayan."

"Wow! Talaga po?"

Naging masaya ang mga sandaling 'yun kasama si Lady Harnea, para ko lamang siyang nakatatandang kapatid, ang sarap niyang mahalin at ingatan.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon