The Beginning

472 67 14
                                    

Ang bilis ng lakad ko at halos tumakbo na nga ako 'wag lamang ako mahuli sa klase pero sadyang hindi yata para sa akin ang umagang 'yun.

Pagkapasok ko pa lang kasi sa classroom namin ay boses na agad ng adviser namin ang sumalubong sa akin.

"Miss Aldamia, almost two weeks pa lang na nag-uumpisa ang klase pero tatlong beses ka nang nali-late."

"Sorry po ma'am."

'Yun lang naman kasi talaga ang maaari kong sabihin dahil kahit anong rason pa ang lumabas sa aking bibig ay late pa rin ako.

Medyo naaasiwa ako sa tingin ng mga kaklase ko. Bukod sa wala pa ako masyadong kaibigan dahil transferee lamang ako sa Societies Academy ay hindi ko rin maipaliwanag kung bakit tila nalulungkot ako sa simula pa lamang ng unang apak ko sa school namin, parang may kulang.

Laging ganito ang pakiramdam ko. Walang buhay ang bawat pagpatak ng oras sa tuwing nasa school ako at tanging ako lamang din ang nakakabatid ng lahat. Wala rin naman akong mapagkikwentuhan ng nararamdaman ko. Si mama lamang ang tangi kong kasama sa bahay dahil ulila na ako sa ama, solong anak lang rin ako at ang mga kaibigan na mayroon ako ay iniwan ko na sa lugar na dati naming tinirhan.

Lumipat kami dito sa maliit ngunit masaganang bayan ng Felicidad upang dito na pumirmi, narito ang munting ari-arian na ipinamana ng aking ama bago siya namatay at para kay mama dapat raw namin itong ingatan at alagaan bilang alaala na rin kay Papa.

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay namin at nadatnan ko si mama sa kusina na nagluluto para sa aming hapunan.

"Oh, anak, 'di ko namalayan na dumating ka na pala."

"Mano po ma."

Masaya akong nginitian ni mama. Likas na ganu'n talaga ang aking ina,mabait at mababa ang loob.

"Akyat po muna ako sa kwarto," paalam ko.

"Calil, malungkot ka. May problema ka ba sa school?"

Tumingin ako kay mama at bakas ko ang concern sa mga mata niya.

Sa halip na tumugon ay umiling lamang ako.

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay mabilis akong nagbihis upang makapagpahinga. Inilapat ko kaagad ang aking likod sa kama, itinaas ko ang aking dalawang kamay para ipatong sa ulo ko at pumikit ako.

Hindi pa ako matutulog, paraan ko lamang 'yun para i-relax ang katawan ko mula sa pagod na aking nadarama.

Oo, pagod na pagod ako kahit maghapon lamang akong nakaupo sa klase namin. Hindi rin naman ako naglalakad pauwi pero pakiramdam ko, stressed ako. Walang happiness ang kasalukuyan kong mundo at puno ito ng kalungkutan, lungkot na baon ko mula sa dati naming lugar at ngayon ay dala ko rito sa Felicidad.

Masakit pa rin ang pagkawala ni papa. Third year high school pa lamang ako nang mawala siya dahil sa leukemia at halos wala pang isang taon ang nakararaan.

Fourth year na ako ngayon sa Societies Academy pero until now, 'di pa rin ako nakakapag-adjust sa society ng school ko.

Wala rin akong mundo sa labas ng paaralan, bahay-eskwela lamang ako. Kaya masasabi kong sadyang nakakabagot talaga ang buhay na mayroon ako.

Hayssttt...

Umayos na ako ng posisyon sa kama, handa na akong matulog.

Tinatahak ko ang isang mahabang kalsada na tila walang katapusan.

"Papa!"

"Calilla, anak ko."

"Papa, miss na miss ko na po kayo."

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon