Sa gitna ng aking pagdadalamhati ay naramdaman ko ang dalawang kamay na dumapo sa aking balikat. Mabilis akong lumingon sa pag-aakalang binalikan ako ni Marion.
"Let's go, Calil," si Kirk.
"No! Go away, I don't need you," bulyaw ko.
"Calil, tinawagan ako ni Marion para sunduin ka dito kaya halika na," nagulat ako sa mga sinabi ni Kirk.
"No, babalikan ako dito ni Marion. Nagsisinungaling ka lang," nagpatuloy ako sa pagpupumiglas, subalit malakas si Kirk at nagawa niya akong hatakin.
Halos madapa na ako sa aking pagwawala, kulang na lang ay mahubaran ko na si Kirk sa sobrang paghawak ko sa kanyang damit para lamang bitawan niya ako, pero tuluyan rin akong nanghina at nawalan ng malay.
Kusang bumigay ang katawang lupa ko sa labis na paghihirap, hindi na nito kinaya ang kirot na aking nararamdaman.
Gusto ko ng mamatay, ayoko nang makita ang pagsikat ng araw kung hindi ko lang naman din masisilayan si Marion sa mga panahon na darating.
"Calil," naulinigan ko malapit sa akin.
Dahan-dahan kong idinalat ang aking mga mata.
At namulatan ko si Lady Harnea. Siya lang at wala ng iba.
"Calil, salamat at nagkamalay ka na," nag-aalala niyang sabi.
"Sana nga hindi na lang," muli ay humagulgol ako.
"Nabanggit sa akin ni Kirk ang nangyari at nalulungkot ako para sa inyo ni Marion," bakas sa mukha ni Lady Harnea ang habag sa aking kalagayan.
Wala na akong maramdaman, ang gusto ko na lamang gawin ay umiyak nang umiyak hanggang sa kapusin ako ng hininga at muling mawalan ng malay. Ayoko ng mabuhay.
Ayon kay Lady Harnea ay iniwan daw ako ni Kirk sa kanya dahil hindi raw nito kayang dalhin ako sa aking ina sa ganu'ng sitwasyon, isa pa ay naaawa raw ito sa akin at nakokonsensiya sa ginawang panghihimasok sa buhay namin ni Marion.
Ngunit tila hangin lamang sa aking pandinig ang mga sinabi ni Lady Harnea, narinig ko 'yun pero kusa rin na lumipas sa aking diwa.
Nagdurugo pa rin ang puso ko sa mga nangyari, hindi ako makapaniwala na basta na lamang akong ipagkakatiwala ni Marion kay Kirk, ipinamimigay niya na ba ako? Bakit hindi man lang siya nagpasabi na ayaw na niya sa akin? Ano'ng kasalanan ko para saktan niya ako ng ganito?
Muling umagos ang masaganang luha sa aking mukha na tila hindi nauubusan ng dahilan para dumaloy.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Lady Harnea sa aking likod, inaalo niya ako, pero nagpatuloy lang ako sa tahimik na pag-iyak. Nagtatangis ako para sa kabiguan ng aking pag-ibig, napakasakit na mismong si Marion pa ang kusang tumalikod sa akin, kung alam ko lang na magkakaganito ang sitwasyon sana ay hindi na lang pala kami muling nagkita, wala rin namang silbi na nadugtungan pa ang aming pagmamahalan kung ito'y magiging panandalian lang din.
Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko mahanapan ng sapat na basehan ang paghihiwalay namin ni Marion, kung magkaaway ang aming mga magulang ay hindi pa rin 'yun sukatan para kalimutan namin ang isa't isa at dahil du'n ay mas lalo lamang tumitibay ang aking hinala na may itinatago siya sa akin, bagay na importante kong malaman.
Hinayaan ni Lady Harnea na makapagpahinga ako at ng mga sumunod na araw ay inalalayan niya akong bumangon mula sa aking pagkakadapa ng dahil sa pag-ibig, dahil kay Marion.
Isang umaga habang nag-aalmusal kami ni Lady Harnea ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Kirk, sa totoo lang hindi naman talaga ako ang sumagot ng tawag niya kundi si Lady Harnea at ito na lamang ang nagparating sa akin ng kanyang mensahe.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
خيال (فانتازيا)There is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...