The Rise Of A Fallen Star

88 36 0
                                    

Limang taon ang lumipas ng hindi ko namamalayan. Nawalan ako ng interest sa maraming bagay, mas pinili kong igugol na lamang ang aking buong atensyon sa pag-aaral at ngayon, heto na ako't nagtatrabaho bilang news correspondents sa isang kilalang TV Network.

Aaminin ko na malaki ang naging epekto nang pagkawala ni Marion sa buhay ko, humukay 'yun ng malalim na sugat sa aking puso. At itong trabaho ko ngayon na lumalabas sa TV bilang news reporter ay umaasa ako na kahit man lang paano ay makita niya ako, kahit wala siyang maalala, basta ang mahalaga ay malaman niyang nag-i-exist pala ako.

"And I'm Calil Aldamia, reporting," pagwawakas ko sa aking TV news report.

Naging pangkaraniwan na sa akin ang paglabas sa telebisyon ng halos hindi bababa sa tatlong beses sa isang araw. More than a year na akong nagtatrabaho sa TV News Network at gamay ko na ang lahat ng aking mga responsibilidad.

"Hi, Calil," nakangiting salubong sa akin ni Kirk nang sunduin niya ako sa office namin.

Oo si Kirk, siya ang taong humalili sa buhay ko nang mawala si Marion, naging kasangkapan siya para maipagpatuloy ko ng normal ang ikot ng aking mundo. Nanliligaw siya sa akin, pero hindi ko pa siya sinasagot. Mali man sabihin, pero sa tagal naming magkakilala at nagkakasama ay hindi nahulog ang loob ko sa kanya, maaaring kasalanan na hinayaan ko siyang maging bahagi ng buhay ko sa araw-araw pero siya rin ang nagpupumilit ng sarili niya sa akin, kinuha ko lamang ang pagkakataon na ibinigay niya.

"Let's have some snack somewhere," aya niya sa akin.

Sumakay ako sa front seat ng kanyang sasakyan at dinala niya ako sa favorite niyang coffee shop. Oo, paborito niya ang lugar na 'yun, pero hindi ako. Masyado kasing matao at naiilang ako kapag tinitingnan kami ng mga tao, siguradong iniisip nila na boyfriend ko si Kirk.

Well, wala namang nakakahiya kay Kirk, actually isa siyang successful architect sa isang high-end company, hindi siya basta empleyado lang doon kundi isang co-owner. Maraming tao ang nakakakilala sa kanya at gaya ko, tinitingala rin siya sa kanyang larangan.

Ilan beses ko na rin narinig na bagay daw kami, obserbasyon 'yun ng mga taong malapit sa amin. Ang iba naman ay nagtatanong kung wala pa daw ba kaming balak na magpakasal, wala naman silang alam sa tunay na status namin ni Kirk.

In the last five years, masasabi kong naging maayos naman ang buhay ko, tumatawa ako at nakikihalubilo sa maraming tao, I serve the expectation of my society but I never met the needs of my heart. Hungkag ako sa maraming bagay, maalwan ang buhay ko, may magandang career, maayos ang pamilya at may mabubuti akong mga kaibigan, pero still, may kulang sa bahagi ng puso ko. Nang nawala si Marion, pakiramdam ko'y dinala na rin niya ang kalahati ng pagkatao ko na kahit na ano pa ang aking gawin ay hindi na mabubuo kailanman.

"Why so quiet?" Tanong sa akin ni Kirk habang tahimik kong kinakain ang chocolate cookies na in-order niya para sa akin.

"I'm so tired thinking of my job, sorry."

"Just leave your job in your company, this time think of yourself."

I just nodded and smile. Wala akong gustong sabihin o kung mayroon man ay hindi si Kirk ang tamang tao para makaranig nu'n.

"After this, ihatid mo na ako pauwi. I want to rest."

"Okay."

Laging ganu'n ang reaksyon niya sa tuwing wala ako sa mood na makipag-usap, hindi siya ni minsan nakipagtalo sa akin o kahit man lang mag-demand sa oras ko, good thing na alam niya kung hanggang saan lang siya pwedeng lumugar sa buhay ko.

I hate complication but I already put myself in the most terrible situation when I allowed Kirk to be my friend, it's almost giving him the chance to take place in my life. But no way, it would never happen.

My Unexpected VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon