Even the atmosphere in the school is welcoming the cold season.
May mga tuyong dahon at sanga ng puno ang sinisigaan sa gilid ng quadrangle, nagsisilbi namang atraksyon para sa iba ang usok nito.
"Marion, taglamig na talaga. Obvious na sa ambiance ng school," nakangiti kong sabi sa kanya.
Tatlong buwan ang mabilis na nagdaan at sa mga panahong 'yun ay hindi nawala sa tabi ko si Marion, naging bahagi siya ng buhay ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Kulang na nga lang na pati sa CR ay magkasama rin kami.
Sa tatlong buwan na 'yun ay mas lalo kaming napalapit sa isa't isa, minsan ay nagkakaroon ako ng bahagyang trangkaso at lagi siyang nandiyan para alalayan ako. Oo, multo na siya at kung tutuusin ay wala na talaga siyang maaaring gawin para matulungan ako, pero sapat na sa akin na nandiyan siya para bumuti ang pakiramdam ko.
"First cold season mo nga pala 'to dito sa Felicidad," tugon niya.
"Yes, excited nga ako habang lumalamig ang panahon, eh," nakangisi kong sabi sa kanya.
"Kahit hindi naman cold season, pwedeng maging malamig ang pakiramdam mo. Yayakapin kita."
Kung noon ay kinakaasaran ko pa ang mga ganitong banat ni Marion, ngayon ay hindi na. Mas natutuwa pa nga ako kapag sweet siya sa akin.
"Calil!"
Sabay kaming napalingon ni Marion sa pinagmulan ng tinig na tumawag sa pangalan ko.
"Patay, andiyan na naman ang bestfriend mong ewan," nakakatawang reaksyon ni Marion.
Sa mga oras na nasa school ako'y tanging si Erin lang ang kaagaw ni Marion sa atensyon ko. Mabuti na nga lamang at hindi na siya nito nakikita.
"Ang lamig-lamig na talaga, Calil. Kamusta ka naman?"
Three days kaming hindi nagkita dahil nagkaroon ng event sa Felicidad kaya idineklarang walang pasok.
"Always feeling good and cold," sabay kaming nagtawanan.
"Mukha nga. You look blooming as always," walang halong pambobola na sabi niya.
"Tuwang-tuwa ka na naman 'pag pinupuri ka ng bestfriend mo, baka may kailangan siya sa'yo," pang-aasar ni Marion na nananatiling nasa tabi ko.
"Ssshhh."
"Ano 'yun, Calil?" Nagtatakang tanong ni Erin sa reaksyon ko.
"Ha? Ano, sabi ko ssshhh, 'wag kang maingay baka marinig ka ng mga schoolmate natin, sabihin nagpi-feeling maganda ako," palusot ko.
"Ang galing talaga," narinig kong natatawa si Marion sa sinabi ko.
Hindi ko na siya pinansin, mahirap nang makahalata si Erin. Ayokong mabobo sa mga itatanong niya kapag nagkataon.
Sabay kaming nagtungo ni Erin sa classroom namin habang nagpaiwan naman si Marion sa quadrangle, malapit sa nagsisiga. Napansin kong naaaliw rin siya habang nakikita niya ang usok na umaakyat sa langit.
Sana huwag munang mawala si Marion, ayoko pa. Alam ko na kahit kailan ay hindi ako masasanay na wala siya sa tabi ko.
"Oh, bakit bigla kang nalungkot?"
"Wala."
Ewan ko, ngunit sa tuwing naiisip ko na mawawala si Marion ay nakakaramdam ako ng hapdi sa aking puso, hindi ko yata kakayanin.
"Calil, nagtataka nga pala ako."
"Bakit? Ano 'yun?"
"Matagal ko ng hindi nakikita ang boyfriend mo."
BINABASA MO ANG
My Unexpected Visitor
FantasyThere is constant saying that nothing's permanent in this world but change. What if you meet one person in your life without knowing that he will be temporary? Would you still accept him? Or better not? Let's read the story of Calil and Marion as th...