Bakit hindi na lang ako?
bakit hindi na lang ako?
ibinigay ko naman lahat ng kailangan mo
kahit pamasahe mo sagot ko
kahit pang gala mo inako ko.
Pero bakit siya ang pinili mo
ako tong laging nasa tabi mo
sa tuwing pinapaluha ka ng mahal mo
madalas ka niya ipagtabuyan
at hindi ko maka limutan yung araw na
ipinahiya ka niya sa buong bayan.
tanga kaba at hindi mo malaman na
ginagamit ka na lang niya?
Bakit hindi na lang ako?
Isa naman ako sa kumompleto ng buhay mo,
o sadyang wala akong lugar sa puso mo?
wala bang pag-asa na bigyan ang tulad ko?
hindi ko rin makuha kahit ang presensiya mo,
pero kahit na ganun hindi na uubos ang pasensya ko.
pero sana masagutan na ang natatanging tanong sa utak ko,
Bakit hindi na lang ako?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
janyeol88
thanks for reading!
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryKorni kase matagal na yan. At hindi lahat akin credits sa mga friends ko. &&. Collaborations