Part 68

145 0 1
                                    


"Dati"
(Poetry)

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay siya ring pinagbago ng ating relasyon.
Mahal naaalala mo paba yung dating tayo na laging masaya.
Masaya sa bawat segundong pagsasama.
Na tila ba sa mundong ito ay tayo lang dalawa.

Tandang-tanda ko pa nung una kitang nakilala.
Isang ngiti sa mga labi mo at maamo mong mukha ang nakikita.
Nakikita ko na tila may namamagitan sa'ting dalawa.
Kahit na noon palang ramdam ko na dito sa puso ko na ikaw na talaga.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon.
Tila ba bigla nalang nag iba ang panahon.
Ika'y biglang nagbago sa di ko inaasahang pagkakataon.
Alam ko na eh tila nagsawa kana o di kayay pagod kana sa'ting relasyon.

Mahal, alam ko nagbago ka pero inaasahan ko parin na ikaw yan
Ikaw yung dating nakilala ko
Ikaw yung dating minahal ko
Ikaw parin yung babaeng nagpapasaya sakin kahit na nahihirapan nako

Sadyang mapaglaro ang tadhana
Alam ko pagsubok lamang natin tung dalawa
Na dapat pagdaanan natin at maging leksyon sa ating nakaraan
Mahal kita mahal alam mo yan

Kaya teka lang mahal wag ka munang sumuko
Dahil ayokong mapako lahat ng ating mga pangako
Kaya mahal wag ka munang magbago
At kung magbago ka man sana di ikasisira ng ating relasyon

Kung nagkasala man ako mahal, patawad
Patawad kung di ko man naibigay ang lahat
Patawad dahil naging mahina ako at hindi ka ipinaglaban
Ipinaglaban sa mga taong naging hadlang sa ating pagmamahalan

Pero mahal di ako susuko
Sana di tayo susuko
Sana bukas at sa makalawa mananatiling ikaw at ako
Sana balang araw aayun satin yung tadhana na sinasabi mo.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon