SWPT

1.1K 14 0
                                    

Walang tayo

______________________________

Walang tayo, oo aminado ako.
Walang tayo, oo nasasaktan ako
Walang tayo, oo nagseselos ako

Pero ano bang magagawa ko ?
Isa Lang Naman akong hamak na kaibigan mo.
Kaibigan na handa Kang damayan sa lahat ng problema mo.

At Alam Kong hanggang dun Lang Ito...

Walang salitang magiging tayo.

Kahit hanapin mo pa sa encyclopedia o diksyunaryo.

Kahit Itanong mo pa kahit kanino.

Bakit kase Hindi pwedeng maging ikaw at ako ?

Pasensya na Kung over protective ako, ayoko Lang Naman kaseng masaktan ka ng todo.

Masaktan ng todo sa babaeng Hindi Naman seryoso sayo.

Nagbubulag-bulagan ka para Hindi siya lumayo.

Ano ba Naman to ?

Gumising kana sa totoong mundo!

Tama na ang pag iilusyon mo na kayo hanggang dulo.

Hindi ako naninira sainyo, nag sasabi Lang ako ng totoo.

Nandito Lang Naman ako.
Pwede mo siyang kalimutan at hayaan mong pagaling ko Ang sugat mo.

Handa Kong gawin lahat para sayo.

Kung Hindi talaga pwedeng maging tayo..

Sige susuko nako, pero ipangako mong aalagaan mo ang sarili mo.

Mawawala na ang presensiya ko sa buhay mo.

Malaya ka ng gawin Ang lahat ng gusto mo.

Tatanggapin ko na Lang na..

Walang tayo.

______________________________

Korni akezh!

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon