Part 90

113 0 0
                                    


"ALAM MO"

Alam mo nang mahal kita
Kahit na gaga leche tanga exhetera
Gaga na lecheng minahal ko ng wagas
Niyakap at nilunod ko ng pagmamahal,
Binihag at sinandal ko sa king mga bisig,
Kasabay ang pagindak ng mga himig na madalas palabas sa radyo ang tugtug ng mga piano,
Alam mo nang gusto kita
Kahit na may nais kang iba,
Di ko mawari ang isang katulad mong binibini,
Ang bumihag at kinamkam aking puso,
Itoy larong piko na sa bawat tatak ng guhit sa lupa
Ay sumisindak sa pagtalon ng bawat pagtalon ng katawan kong nabihag kasabay ang puso kong nahulog sa isang binibini. Ikaw
Alam mo nang sabik ako sayo,
Sabik na marinig ang bawat pintig ng mga letra sa puso mo'y ako,
Hinahanap ko ang naririninig na ritmo ng sintang binibini,
Na sa paligid ng isang kastilyo ay naninirahan ka kasama ako,
Kasama ng tamis at katas ng pagsinta Kong ito,
Unang tibok nito sa umagay ikaw,
Ikaw na nagalay sa akin ng saya at lungkot.
Alam mo nang sapat ka na sa akin
Ikaw pa lamang ang inalayan ko ng ganitong wagas na pagibig,
Sana ay huwag itapon ang inaalay kong pagsinta'y sayo
dahil isa ka ng prinsesang nakabitag sa aking mga kamay
Mga kamay kong nakahawak sa bawat pagtapik ng hangin,
Para lang yayain ang mga bituin,
Sungkitin ang mataas na pagtingin mo sa bawat buwan na kumikislap sa langit.
Alam mo nang ikaw oo ikaw lamang
Itinaas ko ang dalawa kong kamay,
Upang sagutin ang senyales na ikaw ay sa akin lamang,
Ito'y nakaipit sa isipan Kong hirang
Taglay ng mga sagot na iyon ay ikaw,
Ikaw na mismong nagbigay ng lahat sa kasagutan,
Maalat na salabat ang sumalubong sa aking mga labing,
Labing puno ng kaba, na sa isip ko'y ikaw ay magalit, sa pagpikit ko'y sumambit ang mga talang sayong mga mata'y nagmula,
Isa kang diwata

-KRISTHENE

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon