Part 33

317 0 0
                                    


"Sana"

Kaibigan may sasabihin ako,Sana ako'y pakinggan mo
Laging may 'Sana' sa mga buhay ng tao
'Sana ganito,Sana ganyan'
Pero ang nais koy ipaalam sayo ang mga 'sana' ko
Kaya ito na simulan na natin to
Sana pwedeng magkaroon ng tayo,magkaroon ng ikaw at ako
Sana pwede akong umukupa ng parte sa buhay mo,parte dyan sa puso mo
Sana pwede... Kaso ano nga ba ang magagawa ko?
Alam ko namang hanggang pangarap na lang ang mga ito.
Bakit? Kasi may ibang mahal na ang taong mahal ko,
May ibang 'sana' na ang sana ko
Hindi pwedeng magkaroon ng 'tayo' kasi mayroon ng 'kayo'
Pwede akong maging sayo pero kailan may hindi ka magiging akin kasi yang puso mo ibinigay mo na nang buo sa taong pangarap mo, dun sa taong 'sana' mo
Pero higit sa lahat hindi pwede lahat ng 'sana' ko dahil ikaw na minahal ko ng todo ay nabubuhay lamang sa libro!
Kahit pa magkaroon ako ng tapang na aminin na ikaw ang 'sana' ko,
Kahit pa ipagsigawan ko sa mundo na ikaw ang pangarap ko
Kahit pa magpakatotoo ako sa sarili ko,
Hindi non mababago ang katotohanang nabubuhay ka lamang sa libro,
Sa isang kwento na hindi ako ang minamahal mo, sa isang mundo na sa panaginip ko lamang matatamo.
Sana tayo na lang, sana ako yung minahal mo, sana pwede tayo .
At higit sa lahat
Sana hindi ka nalang isang bida sa kwento na hinding hindi naman magkakatotoo.

-Skye

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon