Part 37

267 1 0
                                    


"NATATANGING GANDA"

Sabi mo taglay ko ang ganda
Ako'y biyayang pinagkaloob ni bathala
Kaya't dapat mong mahalin at pakaingatan
Dahil ako'y pundasyon ng iyong kinabukasan

Aarugain at pagsisilbihan
pangakong di ko makakalimutan kailanman
Ako'y kailangan mo sa mundo ng kawalan
Dahil sasagipin kita at di pababayaan

Sabi mo taglay ko ang ganda
Walang alinlangan at di maipagkakaila
Perpekto kaya't hinahangaan ng karamihan
Dahil taglay ang tunay na kabutihan
Di ko naman maitatanggi
dahil perpekto ang buo sa akin
Ang bilugan kong mata mistulang karagatan
sa tuwing sinisilip malulunod ka sa dilim at lalim nitong dala
Aking beywang na maihahalintulad sa bundok
perpekto ang hugis at kurba
Hibla ng aking buhok na parang walang hanggang alon sa kalawakan
Ang balat kong kayumanggi na may kintab ng perlas at halimuyak ng rosas
Mga labi na sa tuwing ngingiti walang kasing kinang kahit pa ang sinag ng araw
Kung susumahin matalinghaga aking kagandahan

Binigay ko ang lahat ng iyong pangangailangan
Ngunit kaakibat nito ang responsibilidad mong dapat panagutan
Binihisan pinakain at binigyan kita ng magandang buhay
Ng ligtas na tirahan at malinis na maiinuman

Pero bakit..
Bakit ito ang kinahantungan?
ng busilak na kabaitan kong ipinagkaloob sa sanlibutan?
Sinamantala mo aking musmos na pagkatao
Iginapos mo ko sa kahalayan ng mundo
Dito unti unting sinira tanging yaman ko
na di ko na muli maibabahagi sa mundo

At ngayon saaki'y sawa kana
sakripisyo't hirap ko'y di na magunita
Nalungkot si bathala ng masaksihan
Kung pano mo ko pinakinabangan
at ngayong iniwang sugatan

Ngayong ako'y pangit na mananatili ka pa rin ba?
Ako ang bumuo saiyo pero bat ngayon ako'y sinira mo
Sino ba ang dapat managot sa kasalanang dulot mo
Sino ba ang dapat sisihin sa kabangisan ng tao
Sino ang dapat parusahan sa kapusukan ng henerasyong ito
Nakalimutan kong magpakilala
Ako nga pala si Inang Kalikasan
Na nagsilbing tahanan sa bayan
Ngunit ako'y nasira ng di namamalayan
kaya paalam

-EPIONE

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon