Part 91

116 0 0
                                    


"AKING INAY"

Habang sa iyong sinapupunan
Ako'y nanahan at iyong inilagaan
At ng ako'y iyong isinilang
Alam kong lubos kang nahirapan
Pero ng ako'y inyong unang nakita
Lubos ang inyong ligaya't saya
Sa'king unang pagngiti
Nabura sa puso bawat pighati.
At sa pagmulat ng aking mga mata
Liwanag ng tahanan ang unang nakita
Oo ikaw yon
Ikaw yon aking Ina
Sa unang paggapang,paghakbang at paglakad
Inalalayan ako habang hawak ang mga palad.
At sa aking unang pag salita
Umagos ang hikbi sa inyong mga mata
At tumambad ang dampi saking mukha
Pero bakas ang kutob sa inyong mata
Habang sa dilim ako'y takot
Ikaw ang naging liwanag na sa'kin ay bumalot
Sa'king pagtawa't pagiyak
Naging tagapayo kaya ako ay nagsumikap
Magsumikap abutin aking mga pangarap
Pangarap para sa'king hinaharap
Aking kakayanin kahit na mahirap
Matumbasan lang ang dugo't pawis na sayo'y pumatak
Dahil aking pagkakamali iyong itinama
At pilit inintindi aking pagkakasala....

-RADENJOHN 

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon