Part 94

136 0 0
                                    


''DATING TAYO''

Yung ikaw at ako, Yung tayo
Tayo na magkasama sa tawanan at iyakan
Tayo na magkasama sa Kasiyahan at Kalungkutan
Tayo na sandigan ng isat isa
Tayo na nagmamahalan
Tayo na nagdadamayan sa oras ng pangangailangan
Tayo...

Kay sarap alalahanin ng DATING TAYO
Masaya, nagtatawanan sa ilalim ng liwanang ng buwan
Nagaaway dahil may Hindi pinagkasunduan,
Mag aayos dahil hindi kayang mag iwanan
Tayo na naglalakad patungo sa pupuntahan
Tayo na sasayaw sa gitna ng ulan
Tayo na tatakbo sa harap ng sikat ng araw
Maghahabulan. Magpapawis. Pero masaya sa piling ng isat isa.
TAYO.
Tayo na sobrang ingay pag may napagtripan
Tayo na hindi maubusan ng pagkekwentuhan
Tayo na laging magtatawagan at magpupuyatan
TAYO.
DATING TAYO.

Tayo na naniniwala sa walang hanggan
Tayo na nangakong hindi mag iiwanan
TAYO.
DATING TAYO.

Naalala ko na naman yung DATING TAYO.
Yung ikaw at ako. Yung TAYO.
Masakit isiping wala na tayo, pero gusto kong ibalik ang lahat ng ito.
Yung ikaw at ako. Ibalik natin ang DATING TAYO. Yung TAYO....

-KRAMDNALOR-21

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon