Part 27

396 4 0
                                    

"Makatao"


Sa paglalakbay ko sa makabagong mundo
Mas lalo kung naunawaan na hindi lahat ng tao tanggap kung ano ang iyong estado
Na hindi lahat ng tao gusto kang mabuhay sa mundong ito

Tandaan mo na dito sa mundong iyong ginagalawan
Ang mga mayayaman lamang ang may kapangyarihan pero ang tulad ko ! Ang tulad mo !
Amoy kalang at dika bibigyan ng karapatan !

Kahit nga may kulang kalang sa bahagi ng yong katawan , pilit ka nilang nilalayoan
Dahil nga hindi ka katangap-tanggap sa lipunan

Mapanghusga ang mundo
Binibigyan ka ng mali kahit ang tanging ginawa mo lang naman ay maglakad para bumili
Nakakatawa diba ? Nakakatawa kahit alam mong nasasaktan kana !

Ito pa , pag bakla ka salot na ?
Isipin mong mabuti , sila yung gumagawa ng biro na pati ikaw mismo nakikiliti
Pag bobo ka hindi nila kayang matanggap ang iyong ideya
Pag sasagot ka naman , pagtatawanan kalang nila , papalakpakan kapa !
ohh diba !
Mahal ka nga lang ng lahat pag nasa kabaong kana !

Makatao ba itong maituturing ?
Kung pilit kang sinasaksak pailalim
At kailangan kalang nila pag di mo na sila pinapansin !
Isa lang nman ang tangi naming hiling , ibigay ang kaligayahan na matagal na sanang naangkin

Lahat nalang ba may diskriminasyon ?
Lahat nalang ba binibigyan ng dahilan para ibaon ?
Oo , iba sila pero may kakayahan din silang taglay na di natin dala !

Ano bang mali ?
Ano bang mali sa pagigin g bakla?
Ano bang mali kung ang kulay niya ay iba ?
Ano bang mali kung hindi siya makasabay sa tropa dahil kakarampot lang ang pera na sinisweldo ng kanyang ama ?

Ang antas ng pamumuhay ng lipunan natin ngayon
Unti-unting binabago ng sistema pana-panahon !

Imulat mo ang iyong mga mata
Ang diyos lamang ang kayang humusga sa kanyang mga gawa !
Wag mong kalimutan na ikaw lamang ay nakikitira
Kaya wala kang karapatan husgahan kung sino man sila
Sanay sa pagkakataong ito , natuto kana sa mga maling iyong ginawa tandaan mo gawin mo man ang tama , sa mata ng tao mali ang nakikita !

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon