Part 30

373 1 0
                                    

Wag kang assuming
written by: shane

Hindi lahat ng babae mamahalin ka,
Hindi lahat sila,
Maaakit mo sa matatamis mong salita,
Hindi lahat sila madali mo lang makuha,

Tandaan mo di mo ikinagwapo yan,
Masyado ka lang mayabang,
Na feeling mo lahat ng kababaihan,
Maaakit mo sa salita mong ''mahal kita at hindi iiwan'',

Wag kang assuming,
Wag mong gawing mundo yung alam mo na tao lang,
Pagkatapos mong pangakuan,
Iiwan mo na lang dahil di kana nasisiyahan,

Isa pa hindi porket dalawa ang kamay,
Pwede ka ng humawak ng sabay,
At kung alam mong bibitawan mo lang rin naman,
Wag mo ng hawakan,

Sabi nila kapag lalaki ang bumitaw may bago na yan,
Pero pag ang babae na ang bumitaw pre nahihirapan at nasasaktan na yan,
Madaming babae ang hindi perpekto,
Pero hindi dapat sila niloloko,

E ang kaso,
Hindi mo mapigilan ang sarili mo,
Hindi mo kaya maging matino,
Hindi mo mapigilan ang manloko,

Sayang naman yang pagsisimba mo,
Pagpupuri mo,
Tuwing linggo,
Pero wala pa rin palang pagbabago,

Ang galing mo lang kami shotain,
Bolahin at pakiligin,
Pero ang totoo,
Hindi ka talaga nagseseryoso,

At isa pa,
Hindi kami rides na kapag aayaw ka na,
Sasabihin mo ang mga katagang ''ayoko na, tama na'',
Akala mo kasi hanggang dulo ka sasaya,
Pero sa umpisa lang pala,

Kung nagmahal ka para shotain lang,
Tangina wag na kami iba na lang,
Hindi yung nagmahal ka nga pero iiwan mo naman kaming luhaan,
Huwag mo na kaming PAGLARUAN!,

Subukan mo rin kasing makuntento sa isa lang,
Subukan mo naman kahit minsan,
Kasi hindi kami laruan,
Na kahit ilang beses mong paglaruan,
Hinding-hindi nasasaktan,

Kaya walang nagtatagal sa relasyon niyo,
Kasi di ka marunong makuntento,
Kahit anong ligaw mo,
Kapag naging kayo,
Hindi rin magtatagal magbebreak din kayo,

Shinota mo lang kami,
Para may kalandian ka sa umaga, tanghali, hapon at gabi,
Shinota mo lang ako,
Pinangdagdag mo sa mga koleksyon mo,
Tapos pag naghiwalay tayo,
Magbibilang ka sa daliri mo,
Kung pang-ilan mona ba ako,
Pang-ilan na ba talaga ako,
Sa mga shinota mo,

Sabagay bakit kita pag-aaksayahan,
Kung meron pa namang iba dyan,
Yung hindi ako gagawing aso para lang amuhin siya,
May lalaki pa na mas better sa kanya,
Yung mamahalin ako,
Tatanggapin ako,
At higit sa lahat i-legal ako,
Ile-legal yung aming relasyon,
Sa personal hindi sa komunikasyon,

Dahil mas magandang sa personal ipapakilala,
Kesa sa komunikasyon lang tapos di pa kayo nagkikita,
Mas maganda rin na lubusan na kayong magkakilala,
Kesa sa dalawang araw pa lang nagliligawan na,
Kaya ang bilis rin nung nakipaghiwalay siya,

Wala na kong maidadagdag pa,
Pero masarap magsulat ng tula,
Kung ikaw ang mga nilalaman ng mga ito,
Lalo na para sayo rin 'tong pamagat na 'to,

Oo para sayo,
Para sa isang taong ginago ako,
Kahit minahal ko ng todo,
Tapos ang ipapalit papaluhain lang pala ako,

Pero proud ako sa sarili ko,
Dahil nasaktan ako ng ganito,
Salamat rin dahil sinaktan mo ko,
Dahil sayo hindi dapat ako matututo,
Nagkaroon rin ako ng leksyon sa buhay ko,

Na hindi kailangan magmadali,
Sa huli rin ako magiging sawi,
Di bale na saludong-saludo naman sayo,
Ang gitnang daliri ko,
Hindi ako fanatics ng ExB pero,
Nakakarelate ako,
Sa kanta nilang hayaan mo sila ang maghabol sayo.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon