Part 107

155 1 0
                                    


"KAIBIGAN"

Alaala?
Naaalala mo pa ba?
Yung mga oras na tayo ay masaya.
Walang bahid ng kalungkutan ang mga mukha.

Sa isang lugar na ating pinagtatagpuan
Lugar na di natin maintindihan.
Minsan impyerno minsan naman ay langit
Mga alaala na di matutumbasan ng kahit anong kayamanan.

Naalala ko pa yung ngiti mo,
Ngiti mo na nagpapagaan sa loob ko
Sa loob loob ko nung panahon na yun
Ay parang natakasan ko ang madilim na kahapon

Kahapon?
Hapon noon ng magtapat ako sayo
Tunay na nararamdaman ng aking puso para saiyo
Ng akin ng ipinagtapat ang aking pagmamahal
Bigla mo kong sinampal.
Sinampal ako ng katotohanan na di mo kayang suklian
Di mo kaya dahil turing mo sakin ay kaibigan

Kaibigan?
Matapos na maamin ang nararamdaman.
Tanging naipangako mo ay pagiging magkaibigan
Magka ibigan sana ang gusto ko
Pero wala ng nagawa ng sinabi mong "ayoko"

Ayaw mo, siguro kase natatakot kang mawala ako sayo?
Kaya mas pinili mong maging magkaibigan nalang tayo
Masakit man para sakin
Pero kailangan tanggapin.

Napatingin sa malayo ang yung mga mata
Di mo ko kinausap dahil sa aking nagawa
Mata mong namumugto
Pinipilit ang luha na wag umagos mula sa mata mo

Mata mo na dati ay masaya at nangungusap
Napalitan ng pagpapanggap
Pagtanggap sa reayalidad na di mo ko gusto
Reyalidad na hanggang magkaibigan nalang tayo.

Tayo?
Mula noon di na ako umasa pa na magiging tayo
Pinilit ko na baguhin ang nararamdaman ko sayo

Dumaan ang ilang linggo ng muli tayong magkita
Nakita kita na umiiyak
Umiiyak sa di ko malaman na dahilan.
Tinanong kita kung anong dahilan
Ang sagot mo lang ay " mali ako ng desisyon"
Desisyon na napagdesisyonan mo noon

Desisyon na nagpabago sa aking nararamdaman
Nararamdaman ng pusot isipan
Pero huli na ng iyong mapagtanto
Na ako pala ay iyong gusto.

Nagsisisi ka sa desisyon
Desisyon na di mo pinag isipan
Di mo na sana ipinagpaliban
Ang oras at panahon na yun
Panahon na dapat di mo pinagsisisihan ngayon.

Di naman sa nawala na aking nararamdaman sayo
Pero napuno na kase ng takot ang puso
Takot na baka maulit muli na akoy iyong masaktan
Masaktan sa iisang dahilan.

Paalam na aking kaibigan,
Tama ka hanggang magkaibigan nalang tayo
Tayo? Wala ng pag asa ang salitang iyon
Mula ngayon hanggang sa darating pang panahon

-J SOLOMON

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon