Part 36

301 0 0
                                    

"AKALA"

Nung una akala ko kaibigan lang ang turing ko sayo,
Ngunit dumating ang araw na napagtanto ako na ikay mahal ko
Ikaw kasi eh,
Ang hilig mong magbigay ng motibo hindi mo naman pala ako masasalo
Akala ko may pagtingin ka rin sa akin
Akala ko pareho tayo ng nararamdaman pero puro akala lang pala ang lahat
Dahil ang totoo ako'y kaibigan lang,
Kaibigan na palaging nandyan para sayo,
Kaibigan na pampalipas oras mo...
Kaibigan lang,
Kaibigan na may lihim na pagtingin sayo
Bakit kasi ikaw pa?
Ikaw pa ang tinitibok nitong letseng puso ko..
Bakit sayo pa ako nahulog na di mo naman ako kayang saluhin?
Bakit sayo pa?
Bakit sayo pa na kaibigan lang ang turing sa akin?
Bakit sayo pa na di makita ang halaga ko?
Maraming beses na kitang nilayuan,
Pero bakit sunod ng sunod ka parin?
Ayaw kong maniwala sa mga sinasabi mo
Dahil ang totoo ay pinahulog at pinaasa mo lang ako...

-ASHLEY

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon