Part 49

218 0 1
                                    


 " LDR"

Bago ka pumasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan,Isipin nyo muna kung kaya nyong panindigan.Dahil sa Salitang Long Distance Relationship,Konti lang ang nagtatagal.

FB- dito tayo nagsimula..
Nagsimula sa simpleng kamustahan
"Hi" "Hello" "kamusta ka?"
kasabay ng Emoticon mong nakapag pangiti sa aking labi.
hanggang sa unti unting paghaba ng usapan at hindi natin namalayan, Inumaga na pala tayo sa pagkwekwentuhan.

"Tulog na kasi""sige na tama na kasi" puro kasi..dahil sa kalandian nating taglay,Hindi matapos tapos ang usapan kahit Gusto nang ipikit ang mata't ,magpahinga.

Dumaan ang Ilang araw ,Hindi ko aakalaing lalalim ang pagtingin sayo through social media.
Umaga,tanghali,Gabi,Hindi kompleto ang buong araw kung hindi ka manlang nakakamusta.

Habang tumatagal ay palalim ng palalim ang nadarama,Pabilis ng pabilis ang puso kong nahahalina sa iyong pagkataong ubod ng ganda.

natatakot,Kinakabahan..Hindi alam kung paano aaminin sayo na ikay gusto..pero ng ako'y nagtapat ..Sa isang iglap ..wala pang dalawang kurap ika'y napasakin agad.

Habang tumatagal mas nakikilala ko ang iyong pagkatao na mas lalong nagpatibok sa puso ko..
Bawat palitan ng I love you ..I miss you..ay Humantong din sa salitang I can't be with you..

Hindi ko alam kung bakit..
Hindi ko alam kung paano..
A..ano bang nagawa ko?tinanggap ko naman buong pagkatao mo ..Pilit kong tinatanggal ang T pero kahit anong gawin ko ..the reality Hits me.. it really Can't..Dahil pala sa passed mo..na pinilit kong tanggapin.

Akala ko akin ka? Pero simula ng nalaman ko ang nakaraan mo. nag iba ang tibok ng puso ko. Akoy nalilito. Minsan inisip ko. "Tama ba na pumasok ako sa buhay mo?" "Tama pa ba na mag stay ako?" Hindi mo kayang kalimutan ang nakaraan mo. Kahit heto ako,patuloy na Umaasang hindi ka magbabago..

Pero hindi..bat may mali??

"Mahal kita pero masyado ka nag mamadali sa lahat ng bagay" sinubukan ko pasukin ang mundo mo. Pero mali pala..kase hindi ko dapat pasukin ang hindi ko mundo.

"Minsan gusto ko bumalik sa panahon mo. Baka sakaling lahat ng pinagdaanan mo nandun ako. Dahil hanggang ngayon. At kahit kelan hindi ako magiging parte ng buhay mo. Kasi wla ako noon hangang ngayon.Dahil Milya milya ang layo ko ..Dahil Long Distance Relationship nga pala tayo..

Ito na naman ako..

Naaalala ko na naman ..kung paano moko binuo..kung paanong naniwala ako na magkikita tayo..kung paanong umasang masusulyapan ka kahit sa malayo..pero hindi ko din makakalimutan kung paano moko unti unting winasak kahit hindi ko nadama ang presensya mo.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon