"SAYAWAN"
Nakakabinging musika, mga taong nagsasayawan
Gabing pinakahihintay ng lahat
Kasiyaha'y hindi salatIsang gabi nang kasiyahan
Gabi kung saan lahat ay naghihiyawan
Gabi na puno nang galak
Saya, tawanan at halakhakNgunit sa isang sulok, ay may nakakubling isang dalaga
Mahaba ang buhok, maputi at maganda
subalit sa kanyang mukha ay hindi bakas ang saya
Dahil kalungkutan lamang ang kanyang tangging damaSa dami ng tao sa lugar tila sya ay may tina tanaw
Isang lalaki kung saan sa gitna ay suma sayaw
Bakas ang saya sa lalaki hawak-hawak ang isang dilag sa kanyang bisig
Habang sumasayaw sa saliw ng musikang pag-ibigLuha ang tangging sagot nang dalaga sa kanyang nasisilayan
Luha na kahit kailan man ay hindi nya kayang i-tahanIsa-dalawa-tatlo, sabay punas nang luha nito
Ngunit palitan man ang kuha nang ngiti
Hindi parin maipagkakaila ang hapdi
Hapdi nang sugat nang kanyang pagdadalamhatiMali ngaba ang mag mahal nang taong may iba na?
Ang mag mahal nang taong masaya na sa iba?
Nais man nyang pigilin ang pag-ibig, kalimutan at ibasura
Ang mag panggap na masaya ay tila hindi na nya masikmuraIlang taon na ba na tinatanaw ka lang mula sa malayo
Na ang salitang 'sakit' sy naging akin nang ka tokayo
Ilang taon na ngaba na ako'y nagpapaka tanga?
Nagpapakatanga sa pag-ibig mo na kelan man ay hindi ko madaramaPero tingnan mo nga naman, matapos ang matInding iyakan
Lahat ng sakit ay tila hindi ko na maramdaman
Puso ko ay unti-unti nang namamanhid
Dahil kahit ilang galon pa ang e-iyak ay hindi mo kelan man mababatidSa isang sulok, ang dalaga ay nanatiling naka kubli
Nararamdaman nya, kahit kelan man ay walang makaka wariIsa-dalawa-tatlo, sabay punas luha sa pisngi
Isa-dalawa-tatlo, palitan natin ito nang ngiti-KRI KR
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryKorni kase matagal na yan. At hindi lahat akin credits sa mga friends ko. &&. Collaborations