Part 104

148 0 0
                                    


ANO NGA BA TALAGA TAYO?"

Ng ika'y makita damdamin ko di maipaliwanag
Minsan inisip ko kung may Mali ba sakin
Mali na Mahalin na lang kita ng di ko inaasahan
Pilit kong tinatago, dahil alam kong walang patutunguhan
Ngunit isang araw nakita kang may kasamang iba
Hindi ko mapigilan na masaktan ang aking damdamin
Na alam ko sa sarili ko na Wala kong Karapatan
Wala kong Karapatan! Dahil ako lang Ito na umaasa na baka pwede
Na baka pwede kang maging akin
Mapasakin! Mapasakin yung isang taong antagal kong hinahangad
Na kahet kailan Hindi mapapasakin
Ngunit isang araw nag bago ang ihip ng hangin
Ng andaming nagsabi sakin na ika'y may gusto sakin
Ngunit! Ngunit Hindi ako naniwala
Baket? Dahil, Dahil alam kong imposible!
Imposible dahil alam kong may Mahal kang iba
Na ako lang ito na naghahangad na baka pwede pa
Na baka pwede pa kong Pumasok sa buhay mo
Sa buhay mo na alam kong Wala kong puwang
Ngunit ika'y lumapit sa akin, at nag tapat ng iyong Nararamdaman
Laking gulat ko ng lumabas sa bibig mo ang mga salitang MAHAL KITA
Ang mga salitang pinanghawakan ko
Lumipas ang mga araw na tayo'y mag kasama
Mag kasamang bumuo ng mga masasayang araw
Ngunit dumating ang araw na kinakatakutan ko
Kinakatakutan ko na bigla na lang nangyare
Na pag gising ko wala na yung dating TAYO
Yung dating TAYO, Yung TAYO na Hindi ko alam kung Totoo
Sinubukan kitang kausapin ngunit Ako'y binalewala mo
Chinat kita ngunit sineen mo lang ako
Tinext kita pero dinedma mo ko
Tinawagan kita, pero pinatayan mo lang ako
Lahat! Lahat ginawa ko para mabalik yung dating TAYO
Yung dating TAYO na Hindi ko alam kung nagkaroon ba ng Tayo
Siguro nga, Siguro nga ako lang ito Ako lang itong nakaramdam na merong TAYO
Nagpantasya nga lang ba ko? O nag bigay ka ng Motibo
Motibo na Akala ko MAHAL mo din ako! Mahal mo din ako na minsa'y Hindi nangyare
Ano nga ba talaga TAYO? Ano nga ba talaga ko sayo? Na kahet kailan di ko maintindihan kung ano ba talaga TAYO! Kung meron ba talagang TAYO?
Oo! Oo, tanggap ko na ! Na kahet kailan Hindi mo ko kayang Mahalin
Mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo!
Sige! Sige titigil na ko, ititigil ko na ang kaka-ASA na magkaroon ng TAYO
Pagod na Pagod na kong kakaisip kung Mahal mo ba talaga ko, kung Ano ba talaga TAYO?
Sige na! Hindi na kita kukulitin. Kukulitin para lang maging akin ka
Basta. Andito lang ako kung saan ka Masaya
Kung San ka Masaya kahit masaktan ako
Masaktan ako basta makita ka lang naka-Ngiti
Ngiti na antagal kong hinintay na makitang ako ang maging dahilan
Dahilan ng iyong pag saya
Ay dahilan ng aking pag laya
Kaya ngayon.
Ang huling sambit sa aking bibig ay ang mga salitang "MAHAL PA RIN KITA!"

-DANIELLA

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon