Part 51

205 1 0
                                    


Hangin

Ang tulang ito ay para sa lahat.
Ay mali para lang pala sa taong hindi pinaasa pero umaasa na maging sila.

Mahal naaalala mo pa ba yung mga panahong parang may sumusunod sayo?
Yung mga panahong parang may nakatingin sayo?

Alam kong naaalala mo lahat ng yun mahal.
Alam kong subrang bilis ng tibok ng puso mo hindi dahil mahal mo ako kundi dahil sa takot na may taong sumusunod sayo.

Gusto ko lang ipaalam sayo mahal
Na ang taong kinatatakutan mo ay ang taong nagmamahal sayo ng totoo.

Sana mahal hindi na takot ang dahilan ng mabilis na pag tibok ng puso kundi dahil mahal mo na ako.

Pero sa pagsunodsunod ko sayo iba na ang naramdaman ko. Hindi saya kundi awa. Awa para sa sarili dahil unti unti kong narealize na ibinuhus ko lahat ng oras at panahon ko para sayo . Ni pangalan ko nga hindi mo alam ang maging akin ka pa kaya?

Mahirap

Mahirap magmahal sa taong hindi ka kilala. Naglalakad ka sa harap niya, pero ang mga mapupungay niyang mga mata, may hinahanap na iba.

Naghihintay siya hindi sayo kundi sa kanya.
Masaya siya hindi dahil sayo kundi dahil sa kanya.
Nasasaktan ka ng dahil sa kanya pero heto siya masaya kasama mahal niya.

Walang pag asa. Walang pag- asa na makuha mo siya sa kanya.
Kaya let go na. E let go mo na siya.
May darating na para sayo.
Yung magmamahal sayo ng totoo.
Minsan may darating sa buhay mo na isang tong mananakit sayo. Pero may tao din namang darating para hilomin ang nasasaktan mong damdamin.

Kaya easy ka lang
Wag kang magpakahibang
Wag mong gawing mundo yung alam mong tao lang.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon