Part 93

124 0 0
                                    


Bago ko simulan tong tula ko. Nais ko lamang kayo ay tanungin sino na ba sa inyo ang NAGMAHAL, NASAKTAN at NABIGO?
PARA SAINYO ITONG TULA...

"ISANG LINGGONG PAG-IBIG"

LUNES, ng ika'y una kong nakita
Nasabi sa sarili sana mapa sa'kin ka.
habang ako sayo'y tulala
At ako'y kanilang nakita
At sabi pa sakin ng tropa
Ika'y ligawan ko na
Pero sabi ko di kaya!
"TORPE" ako diba
Biglang yuko sabay tawa.

MARTES, ng tayo'y nag kakilala
At ako'y iyong kausapin na
Sagot ko sayo ay pa UTAL-UTAL pa!
Ako ay walang magawa.
Ako'y hindi pa handa
Di ko alam kung ano aking gagawin?
Kaba sa'king dibdib pano ba tatanggalin.
Tila ba ako'y balisa habang sayo ay nakatingin.

MIYERKULES, tayo'y nagtapat ng ating nararamdaman
Pag-ibig ko sayo'y walang hangganan.
Habang nasa bisig ng yakap mo.
At sayong halik ako ay sabik.
Walang ibang minahal ang puso ko Ikaw lang mahal ko.
At sa araw na yon
Ang salitang "Ikaw at ako" ay naging "tayo"

HUWEBES, nagsama tayo dahil sa ikaw at ako
Ipinagtanggol kapalit man ang buhay ko.
Sana'y pagmamahal ko ay pag-ingatan mo
Ibinigay ang lahat ng luho
Basta't iyong kasiyahan
Dahil ikaw ang nag punan sa'king pag kukulang.
At ikaw ang nagbigay ngiti sa'king kalungkutan.

BIYERNES, binago mo ang buhay ko
Ikaw ang nagtuwid sa baluktot kong pagkatao.
At iwanan ang masama kong nakaraan
At harapin ang kasalukuyan.
Ikaw ang nagsilbing "MATA" nagbigay liwanag sa madilim kong mundo.
Naging "BIBIG" nag sabi na wag akong susuko.
At "TENGA" nakinig sa twing nag iisa ako.

SABADO, 'di na kita makausap ng ayos.
Di ka rin sumasagot sa Tawag at text.
Mahal ako'y balot na ng pag seselos.
Mahal pa ba ko o may nakita ka ng NEXT.
SA SINABI MONG SALITA AKO'Y NAKAABANG.
Prlero di ka nag salita tila ba walang Muwang
Init ng iyong yakap bakit nanlamig?
Ang tamis ng yong HALIK ay biglang tumabang.

LINGGO, ito ang araw na aking kinatakutan.
Ng ika'y nag-paalam
Sabay sambit "PATAWAD" kung ika'y nasaktan.
At dali-dali na lumisan
Kahit masakit ang naramdaman.
Ikaw ay tinawag at nginitian.
Sabay sambit tama ka hanggang dito na lang!
Kase ayoko ng balikan ating nakaraan.

Mahirap akong sirain
Yan ang iyong tandaan...

-RADENJOHN

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon