Part 98

120 0 0
                                    


"ANG AKING HULING HIRIT"

Madaling araw na
Ngunit walang nagawa ang tadhana.
Kaya eto na, ang aking huling hirit sa gabi.
Ang huling hirit mula sa aking naglalamig na mga labi.
Huling hirit sa mga bagay na aking pinagmumuni.
Aking napagtanto, hindi ikaw at ako.
Walang salitang tayo.
Walang tayong nabubuo.
Lahat ay panaginip lang.
Panaginip na ikaw ang nilalaman.
Panaginip na sanay walang katapusan.
Panaginip na kung saan ikaw ay natagpuan.
Natagpuan sa malamig na gabi, giniginaw at humihikbi.
Walang magawa sa mga sunod-sunod na pangyayari.
Nakakaawa. Ngunit wala akong magawa dahil ang sabi mo
"Tanggap ko ang lahat. Tanggap ko na sa huli hindi ka mapupunta sa aking tabi."
At bigla akong nagising.
Sa tunog ng mga kalansing at sa malamig na simoy ng hangin.
Kinakabahan, Hindi maintindihan ang mga nararamdaman.
Nararamdaman na gusto kong ipagsigawan at ipaglaban.
Ngunit sa huli hindi ko alam kung paano simulan,
Ang aking huling hirit sa malamig na gabi.

-JAI 

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon